Ralix POV Ngiting-ngiti ako habang naglalakad papasok ng gate ni Pia. Nalaman kong wala pa lang umuupa sa second floor ng bahay niya. Kung papalarin ako na makaipon, sana dito na lang ako makaupa ng matitirhan. Alam kong hindi maganda tingnan na sa iisang bahay kami ni Pia. Nakakahiya rin sa mga naririnig kong sinasabi ng iba sa kanya. Kung gaano ka low-key dito ganoon din ka low-key ang pag-iisip ng ibang tao dito. Lalo na sa usaping live-in. Akala nila nagli-live-in kami. Nagpapantig ang tenga ko sa mga naririnig na mga bulungan nila na ubod naman nang lakas. Ang aga-aga at ito sila . . . nakaupo, nakikialam sa buhay nang may buhay. “Iyan ang ka-lived in niya. Ang mga kabataan talaga ngayon. . .” “Ang balita ko, pulubi daw iyan?” “Hindi naman siguro, maayos ang katawan, oh. . .” Hi

