Ralix POV Matiyagang hinihintay ko si Pia na nakapila sa padalahan ng pera dito sa kabilang bayan. Ilang tao pa bago siya na ang susunod. Nakatayo siya doon hawak ang kanyang cellphone na de-pindot pa. Pinagmamasdan ko siya habang nagtitipa doon, kinakamusta siguro niya ang kanyang pamilya sa Ormoc. Ang babaeng ito labis ang pagmamahal at suporta na ibinibigay niya sa kanyang pamilya. Mas lalo akong namangha sa kanyang pagsasakripisyo para sa kanila. I hope they love her back. To the point na kaya niyang ibigay ang lahat. Napakaswerte nila kay Pia, she’s a breadwinner. Halos wala na siyang itinira para sa kanyang sarili. Nakita ko kung magkano ang ipapadala nito sa pamilya niya. Sixty percent ng kanyang sahod. Ang natitira dito ay panggastos niya hanggang sa susunod na sahod. Nakangiti

