Ralix POV “Uy, Carl,” Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Hawak ko ang dalawang kahon sa harap ko para dalhin ito sa isang cart na paglalagyan ng mga goods para ilagay sa designated estante sa loob ng grocery store. Nakatoka ako ngayon dito para i-check ang mga expiration date ng mga ito at kung wala bang damaged. Mabusisi ko silang sinipat. Hindi ako sumagot sa tawag niya sa akin, inuna ko muna itong dalhin sa cart dahil may kabigatin din ang mga ito at natatakpan nito ang paningin ko. “Bakit ‘di ka naman sumama kahapon sa amin? Ang dami tuloy nalungkot dahil wala ka,” biro niyang napailing-iling. Napapailing din ako. “Tsk! Napagod kasi ako brad kahapon. Next time na lang siguro.” pagpapalusot ko. “Next time, ha? Asahan ko ‘yan.” Paniniguro niyang dinuro ako na parang isang

