Chapter 22.1 Ralix POV “H’wag na kasi,” binawi niya ang kamay niyang hawak ko. Hinihila ko siya papasok sa kusina. “No! You ne—” naputol ang sasabihin ko sa kanya ng bigla niya akong sabayan sa pananalita. “Carl, nakakahiya,” bulong niya. Pilit tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Pareho kaming bumubulong sa kawalan habang naghihilaan. “Tara na,” hinarap ko siya. “Bakit ba kasi ayaw mo?” “Ikaw na lang kung gusto mo,” anito na sinulyapan ang gilid namin. “W-what’s happening here?” Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses. “Wala naman po,” Si Pia ang sumagot noon. “Wala naman pala, so bakit n’yo kami pinaghihintay sa pagkain?” Inirapan niya si Pia na napayuko na lang sa sinabi ng babaeng ito. “Malas ‘yan sa buhay, tsk!” palatak niya. “So-sorry po,” nakayuko pa ring

