Nareeda's needed coffee so that she wouldn't fall asleep as her night shift is on going. Bago pumasok sa trabaho ay nagtungo muna siya sa may starbucks. She ordered caffe americano and a slice of chocolate cake. Pinili niyang maupo sa gilid.
Nareeda's stopped eating her cake when a man in front of her asked if he can share a table with her. Pinagmasdan niya ang lalaki, may hawak itong maliit na paperbag. Inikot rin niya ang buong paningin sa loob. Kumunot ang kanyang noo dahil kaunti lang naman ang tao sa loob ng starbucks, marami ding bakanteng upuan. Muli niyang tinignan ang lalaki na tahimik na nakatayo at naghihintay sa kanya.
Mukhang walang balak ang lalaki na umalis kaya napatango na lamang siya. The man smiled at her. She continued drinking her coffee and ate her cake. Nakuha na rin ng lalaki ang in-ordered nito. Kape lang naman iyon kaya mukhang hindi ito magtatagal.
Hindi nga siya nagkamali dahil mabilis rin nitong naubos ang kape. Mukha pang nagmamadali dahil basta na lang itong tumayo at lumabas. Naiwan pa niyon ang kaninang paperbag na hawak. Kinuha niya iyon at walang pagdadalawang isip na sinundan ang lalaki. Sigurado naman siya na hindi pa iyon nakakalayo.
Hindi nga siya nagkamali dahil naabutan pa niya ang lalaki.
“Excuse me, nakalimutan mo.” aniya ng lumingon sa kanya ang lalaki. Nagtataka pa rin siya kung bakit nakasuot pa ito ng salamin, e, gabi naman na.
“Sa'yo 'yan.” may sumilay na namang ngiti rito.
“What?”
Hindi naman siya sinagot ng lalaki sa halip ay unti-unti lang naman nitong tinanggal ang itim na salamin. Napakurap pa siya ng ilang ulit dahil baka dinadaya lang siya ng kanyang paningin. Pero hindi, totoo ang nasa harapan niya.
“Wren?”
“Oh, now you remembered.” malapad itong ngumiti sa kanya.
“It's nice to see you again, Naree.”
•••