RUINED BIRTHDAY
This was the first time that Chantine will celebrate her birthday again. Her mother convinced her for a week just to have a party. Knowing her past, ayaw na niya sana pero hindi na siya tinantanan ng kanyang ina. Sa huli, pumayag na rin siya. Ayaw naman niyang magtampo sa kanya ang ina.
Hinayaan na rin ni Chantine ang ina na maging punong abala sa party niya. She knew her mother, organizing a party was her masterpiece. If the party will be grand? Then wait until her mother do its magic.
Kaya ngayon, hindi na maampat ang paghangang nakarehistro sa kanyang mukha. Magmula sa mga palamuting naka disenyo, maging ang mga fairylights na nagkalat sa mga halaman ay napakagandang pagmasdan.
Chantine smiled sweetly. Her mother really did well, she thought.
“I have to thank her later.”
Nilapitan na niya ang mga ito. Halos lahat ng bisitang imbitado ay mga kamag-anak nila. It was an intimate birthday dinner indeed just like what Chantine wanted.
Masaya siyang nakikipag usap sa mga ito. Nang may maalala ay agad na kumunot ang kanyang noo.
Bumaling sa katabi. “Tita, nasaan po si Charity?”
“Nasa labas. May sinundo lang iyon,” ani nito. Tumango naman siya at muling nagpatuloy sa pag kain.
Natigilan siya sa pagtawa ng mamataan ang pamilyar na mukha. Naglalakad iyon patungo sa kanila. Kasama nito si Charity. Bumaba ang kanyang tingin, magkahawak ang mga kamay ng dalawa.
Ayaw man niyang aminin ngunit tila nakaramdam siya ng sakit. Tila may kumurot sa kanyang puso ng makita ang lalaki na hawak ang kamay ni Charity— na pinsan niya.
Nakangiting lumapit sa kanya si Charity. “Happy birthday, Chantine!” niyakap siya ng pinsan.
“Thank you. Have a sit, kumain na... kayo rito.” kanina ang ganda ng mga ngiti niya pero ngayon para bang inuutusan na lang ang sariling ngumiti.
Nagtataka pa rin siya kung bakit nga ba nito kasama ang lalaki?
Tahimik siyang nakikinig sa pinag uusapan ng mga kasama niya. Kanina lang walang kapaguran siyang nakikipagtawanan sa mga ito, ngayon naman ay tila nawalan na siya ng gana.
“I must say, tonight will be memorable.” ani Charity. Ngumiti pa ito. “Let me spill some tea as our desserts.” hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa sasabihin nito.
“We're getting married!” sobrang excited na sabi pa ni Charity.
Hearing those words, Chantine's already knew that her birthday celebration was ruined. Makita pa lang nito ang ex ay sira na ang masayang gabi niya, ngayon pa na nalaman niyang ikakasal na ito at sa pinsan niya pa. Para tuloy siyang nakalunok ng isang buong ampalaya.