Entry #7: Amusent Park / Halaga

332 Words
AMUSEMENT PARK Bata pa lamang si Yesha ay gusto na niyang puntahan ang amusement park ngunit hindi nila iyon nagawa. Nasa probinsya sila at tama lang ang kanilang pera sa araw-araw na pangangailangan. Gustuhin man ng kanilang magulang na ipasyal sila roon ay hindi ng mga ito magawa. Kung kaya'y nangako siya sa sarili na kapag nakapagtrabaho siya at nakapag ipon ng sasapat sa kanilang lahat ay dadalhin niya do'n ang pamilya. Natupad din naman ni Yesha ang matagal nang pinangako sa sarili. Habang pinagmamasdan niya ang buong paligid ng amusement park ay sobrang lawak ng kanyang ngiti. Masasabi niyang hindi hadlang ang anumang edad na meron ka para hindi gawin ang mga bagay na alam mong matagal ng pinangarap. *** (MOIRA'S SONG SPECIAL EDITION) HALAGA “Wala na akong balak na balikan pa ang taong ni minsan ay hindi ako pinahalagahan, Lev.” Seryosong sinabi ni Essence sa ex nito na pilit nakikipagbalikan sa kanya ng muli siyang makita. “Essence, ibalik natin yung dati. Handa akong magbago makasama ka lang ulit.” natawa siya. Hindi siya hibang para balikan pa ang taong walang ibang ginawa kundi pasakitan siya at higit sa lahat... ni minsan ay hindi siya pinahalagahan na parati nitong sinasabing may kulang sa kanilang relasyon. “Halaga, isang salitang hindi mo naibigay, Lev. Kaya ano pang babalikan mo?” napapagod na siyang makinig rito dahil paulit ulit na lang ang sinasabi ng lalaki sa kanya. Nilapitan siya ni Lev at hinawakan ang kanyang mga kamay. Tumitig na para bang nagsusumamo. “Handa akong punan ang pagkukulang ko, Essence. Basta bumalik ka lang sa akin.” Hinila niya ang mga kamay. Humakbang palayo kay Lev at mataman niya itong tiningnan. “At kapag ako naman ang nag kulang? Yayapos ka sa piling ng iba para buohin ang kulang na hinahanap mo na wala dun sa nauna... sa akin?” umiling siya. “Salamat na lang sa lahat, Lev. Pero hindi ka rin gano'n kahalaga para balikan ka pa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD