Entry #6: Alpha's Potion

242 Words
ALPHA'S POTION Naatasang gumawa si Flare ng potion para sa isang alpha na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang babaeng nakatakda para sa kanya. Meron kasing spell na kumukontra rito para hindi tuluyang makilala ang babae. Halos mawalan na siya ng pag asa dahil ilang beses na ring hindi naging mabisa ang kanyang mga potion. Ilang araw na siyang walang tulog. Halos maubos na rin ang kape sa garapon dahil iyon na lang parati ang iniinom para hindi siya antukin. Nagliwanag ang potion na ginawa ni Flare. Kulay pula iyon na sobrang tingkad. Hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita. Agad niya iyong dinampot at nagmamadaling lumabas ng silid. Hinanap ang kanan kamay ng alpha para ipabatid ang magandang balita. At nang makita na nga niya ito ay agad rin silang nagtungo sa alpha. “Inumin mo na iyan habang hindi pa nawawala ang kulay.” iyon na nga ang ginawa ng alpha. Kabado silang naghihintay kung ano na nga ba ang magiging resulta hanggang sa gumalaw ang matangos nitong ilong na tila ba may naamoy. Kunot ang noo nitong nagmasid sa paligid. Mayamaya pa ay bigla itong tumingin sa kanya at walang pasubaling lumapit. Hinawakan siya sa kanyang braso, inilapit ang mukha sa leeg ni Flare, napahinga ng malalim na para bang hindi makapaniwala. “Sa tagal kong naghintay... narito na pala sa tabi ko ang babaeng siyang nakatakda para sa akin.” at mahigpit siya nitong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD