Entry #3: Midnight Rain

204 Words
MIDNIGHT RAIN (TAYLOR SWIFT) Magkasalungat man ang ating gusto. Sa huli, tayo pa rin ang magtatagpo sa katapusan nito. Iba man ang nais mo, wala man ako sa tabi mo, asahan mong sa mga oras na ito ikaw lang ang tanging gusto ko. Gumawa man ako ng pangalan sa larangang alam ko, hayaan mong ikaw at ang pangalan mo ang maging inspirasyon ko sa bawat pangarap na tatahakin ko. Magbago man ako sa paningin at pananaw ng lahat, ikaw lang ang siyang tanging pakikinggan dahil ikaw rin lang ang naniwala sa kakayahan ko. Makabuo man nang malalaking mga harang ang kasikatang ito, handa akong gibain ang mga iyon makasama ka lang sa oras na kailanganin mo. Dahil walang saysay ang lahat ng iyon, kung mawawala sa tabi ko ang tanging nagsilbing patunay na totoo ang paraiso sa piling mo. *** Wala lang. Gusto ko lang magkaroon ng happy ending itong kanta hahaha. Dahil mapanakit ang mga kanta ni Taylor Swift , ayan bigyan na muna natin ng happy ending. Sana magustuhan niyo. Salamat sa pagbabasa. Puwede rin kayo mag comment para magbigay ng feedback kung gusto niyo. Ayos lang din ang negative comments basta aware kayo kung hanggang saan lang ba ang limitasyon niyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD