THE INVESTAGATOR 2

2152 Words
Hindi nga nagtagal ay nakarating narin kami ni Sargent, Dereck, sa tapat ng gusali ang opisina ng Black Stone. Pagkapark ng kotse ay agad rin akong bumaba at sabay na kaming pumasok sa pinto ng gusali para magtungo sa opisina ni boss Niel, ang may hawak sa buong Black Stone. Pagpasok ko sa gusali ay nakita kong marami ang nakatingin samin lalo na ang mga ibang kababaihan, ngunit iniwas ko ang atensyon sa kanila at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating namin ang opisina ni boss Niel. Pagpasok ko ng pinto ay nakita kong nakatalikod ang boss ko, habang nakalapat ang likod nito sa silya, at bigla naman natoon ang atensyon ko ng makita ko si Bryan sa may bandang gilid, habang may ibang babae kausap. Dito pa talaga sila naghaharutan sa opisina ni boss Niel, at yong babae parang kinikiliti kung makangisi," bulong ko, Bigla na lang nawala ang atensyon ko sa kanila ng magsalita si Dereck. "Good evening Sir, Mission accomplished Sir, sambit ni Dereck. Saka, kasama ko po si Sargent Velasco Sir, nang marinig ito ni boss Niel ay agad itong hamarap saamin at natoon agad ang paningin niya sa akin na para bang may gustong ipahiwatig, sigurado sasabunin na naman ako nito. Yari ako," bulong ko. "Mabuti naman at dumeretso ka rito Sargent, Samantha, Velasco, ipapatawag pa sana kita, dahil nabalitaan ko ang muntik ng mang-yari sa'yo dahil sa mission mo kanina. Inereport ito ni Sargent, Bryan Cortez, kaya naman nakarating ang lahat sa akin ang ginawa mo. "S-sa susunod ay ipaalam mo sa buong Black Stone kung susugod ka sa mission mo! hindi ka katulad ni Nathalie na kahit anong mission na binibigay ko ay mag-isa lang niya itong nalulutas, ngunit bago pasiya sumugod ay pinapaalam na niya ito sa black stone. Para makapaghanda ang lahat kung may mangyari aberya. "Hindi ba! dalawa kayo sa mission na iyon ni Bryan? Bakit hindi mo siya sinama? Sa pagiging makasarli mo at tiwala sa iyong sarili Samantha 'yan ang ikakapahamak mo," palatak nito, Tama nga ang kutob ko eh, S-sasabonin na naman ako ng boss kong ito at ang masama pa'ay ikunpara pa ako sa kaibigan kong si Nathalie Collins, bigla ko tuloy siyang na-alala, kamusta na kaya ang babaeng iyon, dahil mula ng makasal sa may ari ng Black stone, na si Frank ay wala na ako balita rito." Bulong ko. Ano binubulong mo Sargent Velasco? Galit kaba sa sinabi ko?Nagtataka na tanong ni Boss Niel. "Ah, e---h wala po." Mayroon lang pong sumagi sa aking isipan," pagdadahilan ko. S-saka, Pasensya na po Boss Niel, kong nagtiwala ako sa aking sarili, S-sa susunod ay magbibigay alam na ako sa buong Blackstone stone," sagot ko rito. Mabuti naman kung ganoon at nagkakaintindihan tayo. S-sge iyon lang ang gusto kong sabihin sa'yo makakaalis kana! magpahinga ka na lang mo na tatawagan na lang kita" utos nito. Nakita kong ngumisi si Bryan sa kinatatayuan niya na parang bang natutuwa pa ito, dahil pinagalitan ako ni Boss Niel kaya naman ay nanggigil ako sa reaction ng kanyang mukha na nang aasar pa. Bwesit! talaga ang lalaking ito may araw ka rin sa'kin," bulong ko habang nakatingin ako ng masama sa kaniya. Nagpaalam na ako kay Boss Niel matapos niya ako pagalitan ay dumaan naman ako sa harapan ni Bryan, nakatingin ito na para bang takot habang papalapit ako sa kaniya. "Hoy lalaki anong na nangisi- ngisi mo diyan kala mo ba ay natutuwa ako sa'yo umayos ka baka sikmuraan kita! Alam mo sa tuwing pumapasok ka rito sa opisina ng Black Stone, nasisira ang araw ko!" galit na sabi ko sa lalaki. Napakamot lang ito ng ulo at hindi na nagawang umimik pa, umalis na ako sa harapan niya saka lumabas ako ng opisina ni Boss Niel ng nakasimangot ang mukha. Paglabas ko pinto ay bigla na lang akong nagulat nang may bumangga sa akin, dahilan para mas Lalo ako mainis. Shit! Ang bobo naman ng putcha! "Hoy, lalaki bulag kaba? ang lawak-lawak ng hall way nagawa mopa akong banggain! Hindi ka ba? tumitingin sa dinaraanan mo. Lumayas ka nga sa harapan ko baka 'di kita matansya dadagdag kapa sa init ng ulo ko!" Galit na sambit ko sa lalaki. "Pasensya ka na Miss beautiful, hindi kita napansin, nasaktan ka ba? Are you okay?" tanong nito. "Aba'y nagtatanong ka pa talaga ha! sa tingin mo ba ay okay ako," masungit na sagot ko sa lalaki. "Ang sunggit mo naman Miss beautiful, sorry talaga, may hinahanap kasi akong office room, bigla ka kasi sumulpot sa harapan ko kaya nabangga kita," paliwanag nito. "By the way I Sam how's about you," nakangiting tanong nito. Subalit hindi ko sinagot ang tanong niya dahil wala akong balak magpakakilala, nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinagtitinginan ng mga tao sa loob ng building dahil sa nangyari eksena. Subalit bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto ng gusali ay nagulat na lang ako ng may bigla humawak sa kamay ko, s**t! Sino naman kaya ito--" bulong ko, dahilan na rin para matigil ang aking hakbang, lumingon rin ako sa aking likuran. nagulat na lang ako ng makita ko ang mukha ni Bryan habang nakatitig ito sa akin. hindi ko na nagawang magalit at mukhang nawala rin ang pagkainis ko sa kaniya kanina. Bumunggad ba naman sa harapan ko ang maganda nitong ngiti. na akala mo'y nang aakit, at mas lalo pa akong kinabahan ng unti-unti nito nilalapalit ang kaniyang mukha sa akin. Nanatali lang ako sa aking kinatayuan, hindi ko na alam ang aking gagawin, sa sitwasyon ko na ito, para bang gusto ko na lang lamunin ng lupa para makaiwas sa lalaking pilit na nilalapit ang mukha niya sa akin, at para akong hihimatayin sa mga oras na ito, naisipan kong ipikit na lang ang aking mata. Ilang minuto rin akong nakapikit na parang T*nga, subalit wala akong napala. Pinagtritripan ba ako ng lalaking ito? kanina pa ito ha! bakit 'di niya kaya tinuloy ang iniisip ko, nakaready na ako,"bulong ko. "Hey Samantha are you okay? parang nakakita ka ng multo sa itsura mong yan! at may pa pakit-pikit ka pa ng mata ha," sambit nito. Nang marinig ko ang boses ni Bryan ay marahan kong minulat ang mata ko, napansain kong malayo na ang agwat ng mukha niya sa akin. "Nagulat kaba ng makita mo ko na nasa likoran mo lang?" tanong nito. "Yes nagulat nga ako dahil kanina lang ay iniwan kita sa opisina ni boss Niel tapos ngayon nasa harapan na kita, 'di ko nga narinig ang pinto na nag-ingay eh," Sinadya mong sumunod sakin no?" tanong ko sa lalaki. "Oo dahil gusto kong humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa 'yo kanina, nag-aalala lang ako sa 'yo bilang partner mo marami na tayo mission na natapos kaya gusto ko sa bawat mission na binibigay sa 'yo ay lagi ako nasa tabi mo dahil ayaw kitang mapahamak, at protektahan kita kahit ano pa ang mangyari- tuloy,-tuloy na sambit nito. Totoo ba ang narinig ko sa lalaking ito? Kahit palagi niya akong inaasar at iniinis sa araw-araw ay marunong din pala siyang mag-pakilig, tama nga ang kaibigan niyang si Dereck, concern talaga ang lalaki ito, at may lihim pang pagtingin sa'kin---" bulong ko sa aking isipan. "Sa sinabi ni Bryan ay naramdam ako ng kilig, kaya naman nagpasalamat ako rito, at nagbigay ng matamis na ngiti. Ramdam ko tuloy ay safe na safe ako kapagkasama ko siya, iyon nga lang para naman kaming aso at pusa, dahil pareho kaming ma pride. Nagpaalam na ako sa lalaki at muli ay nagpasalamat, kaagad rin akong tumalikod saka, nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng gusali, baon ko ang matamis na ngiti dahil sa narinig ko mula sa sa bibig ni Bryan. Tuluyan na akong nakalabas ng gusali, medyo pagod na rin ang katawan ko dahil sa mission kanina, kaya kaila ko na talagang makauwi sa bahay para naman ipahinga ang katawan lupa ko. Pumara na ako ng taxi at ka-agad rin itong tumigil sa harapan ko, nag-madali na akong pamusok sa loob ng kotse.sinandal ko ang likod ko, at kahit pa-paano naman ay nakarelax ako. Ilang sandali pa nga ay nakarating na ako sa bahay, kaagad naman akong pumasok sa pinto, sumalubong sa akin ang Ina ko. "Samantha anak, narito ka na pala kamusta ang trabaho mo?" bungad na tanong ni Ina ko sa akin. "Mabuti naman po Mom kahit pa-paano ay nagagawa ko ng maayos ang mission ko bilang Isang Agent ng Black Stone. "Ganoon ba anak, pero mag-iingat ka pa rin Samantha, dahil napakadelekado ng trabahong pinasok mo lagi na lang akong nag-alala sa'yo anak, kapag wala ka rito sa bahay," paliwanag ng Mom ko. Napansin ko na biglang nalungkot ang mukha ng aking Ina, Kaya naman niyakap ko ito at pinalakas ang loob. "Mom don't worry hindi po ako mapapahamak, dahil katulad rin ako ni papa may dugo ng isang Velasco na magaling sa pakikipaglaban, saka, sa ano mang mission ko kakampi ko po si God, siya ang nagproprotekta sa akin sa lahat ng laban ko." Pabirong sabi ko sa aking Ina. Nakita kong ngumiti ang Ina ko ng bahagya kaya naman mas lalo ko pa itong niyakap. Nagpaalam na rin ako sa Ina ko at nagtungo na ako sa kwarto ko para matulog, dahil kailangan ko na ipahinga ang katawang lupa ko pagpasok ko sa kwarto ay mabilis din lumapat ang likod ko sa kama, at kinain na ako ng karimlan, hanggang tuluyang makatulog. Kinabukasan maaga akong nagising naisipan kong magjoging, para naman ma exercise ang katawan ko at pansin ko medyo tumataba na ako dahil nagkakaroon na ako ng bilbil sa tiyan. Nagmadali na akong nagsuot nagrubber shoes, at maikling short. Lumabas na ako sa pinto ng bahay namin at marahan lang nagtatakabo sa labas ng subdivision. Ilang sandali nga ay natapos na akong magexcercise at nagdisisyon na rin akong pumasok sa gate ng village, bumalik na ako sa bahay para kumain dahil nagutom ako. Nagtungo ako sa kusina para kumain sakto naman dahil marami ng pagkain sa mesa dahil nakapaghanda na nang umagahan ang katulong namin sa bahay. Umupo na ako sa hapag kainan at nagsimula na akong kumain ilang saglit nga ay natapos na rin ako hanggang narinig ko tumunog ang cellphone ko, at nakita ko na tumatawag si Boss Niel kaya agad ko itong sinagot. "Hello Samantha pumunta ka ngayon rito sa opisina, na rito na si Bryan dahil may iimbistigahan kayong malaki kaso, at gusto ko personal natin itong pag-usapan," sambit nito. Ang malas naman oh, hindi pa nga ako nakakapag pahinga ng maayos! tapos may kasunod na naman mission! sabagay ito kasi ang pinasok kong trabaho kaya wala akong magagawa kung hindi ang sumunod sa nakakataas sa akin," bulong ko. "What Sargent Velasco, may sinasabi kaba?" Nagtatakang tanong ni Boss Niel sa kabila lenya. Nawala tuloy sa isip ko na nasa teynga ko pala ang cellphon ko. "Wala po, nevermind Boss Niel? "I mean, magbihis lang po ako at magtutungo na ako ri'yan," Anas ko. "S-sge, hihintayin na lang kita kito, So, pa-ano, magpaalam na ako. Pagkababa ko ng cellphone ko, ay nagmadali na akong magbihis, nag-suot rin ako ng jacket, at itinago ko ang baril ko sa aking beywang saka, lumabas ng bahay. Sinuot ko ang helmet kong dala. saka, ako sumakay sa motor ko, mabilis ko itong pinatakbo pa tungo sa opisina ng Black Stone. Subalit sa kahabaan ng byahe ko ay bigla akong napatigil sa daan dahil nakita ko ang mahabang trapik. Napansin ko rin na marami ang pulis hindi ko alam kung bakit, ngunit 'di ko na ito nilapitan bagkus ay naghintay na lang ako na maging okay ang lahat, tumingin rin ako sa relo kong pambisig pansin kong maaga pa naman kaya nanatili lang ako sa aking kinatatayuan, Bigla akong nagulat ng makarinig ako ng malakas na bosena ng kotse na nasa aking likoran Loko ito ko ha! Teka nga, hinubad ko ang suot ko na helmet saka bumaba sa motor, at nagdesisyon lumapit sa driver ng kotse. "Manong anong problema nakakarindi ang ingay ng sasakyan mo, ang lakas ng trip mo ha. Bulag kaba? hindi mo ba nakikita ang nangyari sa unahan!? Galit na tanong ko. "Tumigil ka babae huwag kang mangialam baka tamaan ka s'kin," pagmamayabang na sambit nito. "Ganoon ba, bakit hindi mo subukan! Sambit ko sabay tututok ko ng baril sa ulo nito, baka gusto mong ngayon pa lang makarating ka na sa iyong pupuntahan!" galit kong sabi sa lalaki. "Bumaba ka riyan masyado ka matapang tanda, halika ng makita mo ang dapat mong makita, Ayan idilat mo ang mata mo. Nakikita mo naman trapik diba? Sa-susunod huwag kang masyado mayabang, kung sa huli mangiginig karin sa takot. Takot na takot ang matanda at humingi ng tawad sa ginawa niya sa akin, "Yan tanda madali karin naman palang kausap eh. Pasalamat pa ka may awa pa ako sa mga katulad mo hala layas!" Galit na utos ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD