bc

THE INSVESTAGATOR

book_age18+
20
FOLLOW
1K
READ
dark
one-night stand
HE
age gap
second chance
playboy
office/work place
like
intro-logo
Blurb

SAMANTHA VELASCO, edad na dalamput apat na taong gulang. Pumasok ito bilang Isang NBI Agent ng Black Stone upang matulungan ang mga taong naaapi. Taglay ang kasungitan sa katawan, lalo na pagdating sa mga lalaki. Ngunit hindi matatawaran ang angking kagandahan. Isa rin ito sa mga babae na labis na hinahangaan ng mga kalalakihan. Ang papel niya ay imbestigahan ang mga nangyayaring krimen sa bansang pinaglilingkuran. Nais din niyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na babae at pinakamamahal na Ama. Sa patuloy na pagtanggap sa mga misyon at paghahanap sa taong pumatay sa kapatid at Ama ay hindi niya inaasahan ang makadaupang palad si Mr. Brayn Corts. Sa bawat pagkikita nilang dalawa ay para silang aso at pusa na hindi magkasundo. Sa bawat mission na magkasama ay palagi silang nagbabangayan dahil magkasalungat sila sa buhay. Kung baga parihas silang ma-pride at walang gustong magpatalo. Sa dalawang taong pinagtagpo ng maling panahon, may mabuo kayang pag-ibig sa kanila? Abangan!

chap-preview
Free preview
THE INVESTAGATOR 1
Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa isang grupo ng mga lalaking nakapalibot sa akin, at dahil nga sa subrang dami ay nahihirapan akong patumbahin ang bawat isa sa kanila. Ngunit hindi ako natakot o nagpatinag, bagkus ay nag-isip ako ng gagawin takteka, may kaalaman ako pagdating sa pakikipaglaban, bata palang ako ay sinanay ako ng husto ng Ama ko. dahil dalubhasa siya sa larangan ng karati at isa rin siyang Intelligence tulad ko, nakakalungkot lang isipin na maaga siyang nasawi dahil sa mga mission niya, ga'yon man ay nagpapasalamat pa rin ako sa aking ama dahil itinuro niya sa'kin ang kaalaman pagdating sa pakikipaglaban. Nanatili lang akong kalmado sa kinatayuan ko habang pinagmamasdan ko at inaabangan ang possibleng pagkilos ng kalaban, mas hinigpitan kopa ng kapit sa tubong na ngayon ay hawak ko na tangging ito lang ang maasahan kong kakampi sa ngayon, nang lilisik ang mga mata ng mga lalaking nakapalibot sa'kin, panigurado ka pag nahawakan nila ako ay 'di nila ako bubuhayin. Hanggang magdesisyon na silang sumugod sa akin, at binalak nilang hampasin ako ng hawak nila ring tubo, subalit lahat sila ay bigo, dahil mabilis ko lang itong naiiwasan, Hanggang sa nahawakan ko ang kamay ng isang lalaki, ginamit ko ang katawan nito panangga sa mga kasamahan niyang walang tigil sa paggamit ng tubo. Napansin kong napatigil ang mga ito, siguro nagkaroon sila ng awa sa kasama nila, ngunit napatingin ako sa lalaking hawak ko, binali ko nga ang leeg nito, sabay pinatambling ko sa ere. "Ano! gusto ninyo rin ba mamatay kagaya ng lalaking 'yan!" Sambit ko, ngunit hindi ko manlang nakita sa mga mukha nila ang pagkasindak o kakaunting takot, bagkus ay mas lalo pa silang nanggigil sa ginawa ko. Medyo napaatras ako ng bahagya, at naging handa ako sa susunod na mangyayari, hanggang ngayon ay hawak ko parin sa mga kamay ko ang tubo, na tanging inasahan ko. Walang takot naman silang lahat na sumugod sa akin, para silang galit na galit na tegre na gustong manakmal. Kaya naman hinarap ko na sila, walang awa na pinaghahampas ko ang kanilang mga Binti, hanggang lumuhod na sa lupa. Subalit napaatras ako ng may isang bagay na lumapat sa aking bandang balikat at nakaramdam ako ng konting sakit, Hinampas ako ng tubo ng isang lalaking bigla na lang sumolpot sa aking likoran. "Ara----y," sambit ko. dahilan para manghina ang katawan ko, loko to ha----!" Humanda ka sa'kin! hindi kita mapapatawad!" galit na sambit ko sa lalaki. "Oh, ano babae! masakit ba? Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa lahat ng kasamahan ko! Kaya magbayad ka, dahil babasagin ko ang ulo mo ng tubong hawak ko!" galit na sambit sambit nito. "Talaga ba? bakit hindi mo subukan ng magkaalaman tayo!"nakangising sambit ko. Dahil nga sa gigil ko sa ginawa ng lalaki ay walang takot ko itong nilapitan at pinaghahampas ko ang ulo hanggang mabasag ito, dahilan para ito ay mamatay. Satagal ng laban ay napagod rin ang katawan ko, umagos ang dugo ng mga sugatan at nasawi sa laban, habang ang iba naman ay naghihiyawan dahil sa sakit na natamo nilang bogbog sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil napansin kong ubos na ang kalaban ko sa paligid, subalit ramdam ko parin ang sakit na aking natamo. Naging kampante narin ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pinakang lungga nila. Malayo pa lang ako nakita ko ang mga lalaking nakaabang na pala sa labas ng pintong papasukan ko. Kaya medyo ako ay kinabahan subalit nagpatuloy parin ako sa aking paglalakad kahit alam kong mas marami pa akong haharapin na kalaban. Hanggang sa mapansin na nila ako, kaya naman mas naging handa sila sa aking paglapit. Nagulat ako ng bigla na lang nahati sa dalawa ang linya ng mga lalaking nakaharang sa'kin, maya-maya pa nga ay biglang dumaan sa gitna ang isang lalaking nakasuot ng polo, habang may tangay itong tabako, punong-puno ito ng tattoo sa katawan at may bar*l rin itong hawak. Bigla itong nagsalita ng bahagya siyang nakalapit sa akin. "Hoy, Babae! ang lakas naman ng loob mong pasukin ang tirotoryo ko! Ano ka nagpapakamatay?! galit na tanong nito. "Pinahanga mo ako sa kakayahan mo! dahil nalampasan mo ang mga bantay ko na nasa labas ng gusaling ito, at umabot ka rito. "Subalit malas molang! dahil hindi kana makakalabas pa dito ng buhay! tingnan mo ang paligid mo, hindi ka ba natatakot sa mga taohan ko, kaya kung marunong kang magdasal ngayon pa lang umpisahan mona babae!" mariin sambit nito, na may kasamang halakhak. Ngunit hindi ako natakot sa sinabi ng lalaki bagkus ay napailing lang ako at naging handa. Ilang saglit nga ay sabay-sabay silang lumapit sa akin at naging angresibo, wala akong magawa kundi ilabas na ang bar*l ko. mabilis ko itong pinutok sa mga papalapit sa akin, at isa-isa naman silang nagsitumbahan. Hanggang ang ilan sa kanila ay magdesisyon na hindi na lang lumaban dahil sa takot. Nakita ko ang reaction sa mukha ng leader nila, mapansin ko rito ang matinding takot, dahil sa kakaibang kilos niya. Kaya naman itinutok niya at pinaputok ang hawak niyang bar*l sa dereksyon ko, mabilis naman akong nakaiwas at nagpagulong-gulong para makapagtago sa poste. "Lumabas ka riyan sa pinagtataguan mo babae! huwag kang duwag! harapin mo ako! nanginginig na sambit ng lalaki habang patuloy ito sa pagpapaputok ng bar*l. Halos magkabutas-butas ang posteng pinagtataguan ko, ngunit 'di padin ako umalis rito. Napansin kong konti na lang ang bala ng bar* l ko, sumbalit patuloy parin ang unti-unting paglapit ng mga ibang taohan nito sa dereksyon ko. kaya inabangan ko na sila, at inubos ko ang huling bala sa magasine ng bar*l ko. Pagkatapos ay tinapon ko na ang baril kong hawak at inilabas ko ang balisong kong dala dahil ito na lang ang tangi kong magagamit Ngunit nagtaka ako ng makita kong parang dumarami ang bilang ng kalaban ko at hindi manlang nababawasan, s**t, imortal ba sila mukhang dito na yata ako mamatay," sambit ko. Mabilis ang t***k ng dibdib ko, hanggang naisipan ko na lang pumikit, at tanggapin ang possibleng mangyari. Subalit Ilang sandali pa nga ay nagulat na lang ako ng bigla kong makarinig ang putok ng bar*l sa paligid. Pagsilip ko ay nakita ko ang mga kasamahan kong NBI na nakikipagbarilan na at inubos nila ang aking kalaban. Tumagal rin ng ilang oras ang sagupaan ng mga kasama ko at ng sindikato. Hanggang tuluyan na itong huminto. Nakahinga ako ng maluwag at lumabas narin sa pinagtataguan ko, nagulat naman ako ng bumungad sa harapan ko si Bryan Cortez, ang lalaking kinaiinisan ko. "Muntik kanang mapahamak! dahil diyan sa katigasaan mo ng ulo at tiwala sa iyong sarili. Hindi ka man lang nagsabi sa akin na susugod ka rito ng mag-isa!" galit ng sambit nito, ang akala mo'y kung sino kang magaling na basta-basta susugod sa mission mo na ito ng nag-iisa!" palatak nito. "Mabuti na lang may tumawag sa NBI station na mayroon raw nagaganap na bar*lan sa lugar na ito, kaya kaagad kaming nagtungo dito. Paano kung 'di kami dumating siguro ay napahamak ka na, dahil pinililigiran ka ng mga kalaban mo!" Nang gigigil na sambit nito. Medyo na touch naman ako sa pag-alala sa'kin ng binatang nasa harapan ko, kahit palagi kaming nag-aaway malaki parin ang pasasalamat ko dahil dumating siya para iligtas ako. Pinagmasdan ko lang ang mukha nito na nang-gigil sa inis, at hindi ko pinakinggan ang palatak niya, kung baga labas sa kabilang teynga, bagkus ay tinaasan ko ito ng kilay at sinermonan din. "Ano bang paki mo? kung mag-isa akong pumunta sa lugar na ito! at kaya ko naman ang sarili ko. naubos ko nga ang mga kalaban ko sa labas ng gusali na ito, 'yon nga lang minalas kaya nagtago na lang ako."paliwanag ko. "Nangangatwiran ka pa diyan eh..." dalawa tayo sa mission na ito kaya dapat ay nagsabi ka sa akin para naman matulungan kita harapin ang mga ito." Anas ng lalaki. "Ah, eh, natulangan mo na nga ako 'diba? heto nga at nailigtas mo ako, bakit kailangan kopang mag-paalam sa'yo, ano ba kita!? gigil kong tanong rito, at isa pa kung dalawa tayong nagpunta dito kanina baka nahuli pa tayo. "Pero maraming salamat rin may hero. Dahil dumating ka, sagot ko habang ngumingisi sa harapan ni Bryan. Nainis ang lalaki kaya tumalikod ito sa akin. diyan kana nga! ang dami mong dahilan. "Tiyak malalagot ka sa boss ng black stone kapag nalaman niyang muntik ka na mapahamak. Pinagmasdan ko lang ang likod ng lalaki na palayo sa akin at sumakay na ito sa kotse. Lumapit naman sa'kin si Sarget, Dereck, kaibigan ni Brayn, Cortez sa Black Stone. "Sargent Velasco, napapansin kong palagi na lang kayo nag-aaway ng kaibigan ko, para kayong aso at pusa," anas nito. "Ah, ganoon ba? hindi ko nga alam sa lalaking 'iyon masyado mainitin ang ulo konting pagkakamali ko lang sa mission namin pinapagilitan na ako." "Eh,----" Di siya na ang magaling! nanggigigil talaga ako sa lalaking 'iyon! Bakit kasi siya pa ang binigay sa'kin na maging partner sa lahat ng mission ko? Puwede naman iba na lang o ikaw tiyak kong magkakasundo tayo hindi gaya ng lalaking 'yon masyadong mainitin ang ulo daig pa niya ang isang babaeng may dalaw, mamaya nga elelebre ko siya ng isang balot na napkin," Anas ko. Natawa naman si Sargent Dereck sa sinabi ko. "Loka ka talaga Samantha, tiyak kong pagtatawanan si Bryan sa sa opisina ng black stone kapag ginawa mo ang sinabi mo. "Siguro ay concern lang sa'yo ang kaibigan ko at ayaw ka niyang mapahamak." sambit ni Dereck sa akin. S-siguro nga," maybe but soon malalaman natin Yan," sambit ko. "So, pano, sumabay ka na sa'kin dahil magtutungo rin ako ako sa office para magreport ng mga nangyari dito," pagmamagandang loob ni dereck. "S-sge tara at umalis na tayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.6K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.7K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Dangerous Spy

read
322.4K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
68.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook