Chapter 5

1504 Words
Naalimpungatan ako ng alas dos ng madaling araw. Nakatulog pala ako dala ng kakaiyak at hindi pa ako nagdidinner. Kasalanan talaga 'to ni Art eh. Pinaiyak na naman ako. Lagi na lang siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Hays. Nagpalit muna ako ng damit pantulog bago lumabas ng aking kwarto. Tulog na naman silang lahat so walang problema. Malaya akong makakakilos. Hindi rin kasi ako komportable sa mga katulong dito sa bahay. Hindi naman nila ako kinakausap mula noong magsama kami ni Art. Paglabas ko ay patay na lahat ng ilaw at tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. I went to the dining area and drank a glass of water first. Sa dami ng iniiyak ko kanina ay baka 1/4 na lamang ang laman ng tangke sa katawan ko. Kailangan ko rin syempreng uminom ng tubig. Baka wala na akong maiiyak sa susunod eh. Nang maubos ay naghanap naman ako ng pagkain sa ref. Pero nanlumo ako ng wala akong makita. Ubos naaaaa! Ang sisiba naman nila at inubusan ako. Gutom na akoooooo. Bagsak ang balikat ko ng isara ko ang pinto ng ref at napatingin sa taas. Agad din namang nagliwanag ang aking mukha ng makita kung ano ang nandoon. Cup noodles! I'm fond of eating cup noodles. Masama ba? Masarap kaya. Kumuha ako ng isa at nagpakulo ng tubig. Hindi naman din nagtagal iyon at kumulo na. Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Art kanina. I saw pain in his eyes while I'm saying those words. I tilted my head. That's impossible. That's the first time seeing emotion in his eyes aside from anger. O baka naman namalik-mata lang ako? Imposible talaga eh. Bakit naman siya makakaramdam noon ng dahil lang sa mga salitang sinabi ko? If I'm Shauna, the love of his life, baka masaktan pa siya. Kaso hindi. I'm just Amara. The nobody of his life. Kaya napakaimposible noon. Tinapon ko ang cup ng noodles at uminom ng tubig. I'm done eating. Paakyat na sana ako papunta sa kwarto ko, hahakbang na eh, hahakbang na talaga, ng bumukas ang pinto at pumasok si Art. He's drunk. Pasuray-suray siyang naglalakad. Hindi niya ako napapansin kaya tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa pag-akyat. I was about to step pero natuod ako... sa kung anong nangyayari ngayon. Nahigit ko ang aking paghinga at hindi makagalaw. Anak ng pitongpu't puting tupa—amp, tinapa! What the heck is he doing right now?! Is he even aware of what he is doing to me?! "Amara.." he whispered in my ears while tightening his hug to me. Yes, Art is hugging me from behind. Freaking hugging me! Nanindig ang balahibo ko sa klase ng tinig niya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Amara.." siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin na parang ayaw niya akong pakawalan. Ang lakas ng pintig ng puso ko at ang mga paru-paro sa tiyan ko na matagal ng namatay ay muling nabuhay at nagsiliparan. Ako? Nabato na yata ako at hindi man lang ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko o kung ano ang mararamdaman ko or rereact ko. Parang nablangko ang isip ko at wala akong magawa kung hindi ang hayaan siya. Ni hindi ko magalaw ang katawan ko dala ng pagkabigla. Sinong hindi mabibigla? Ako? Si Amara? Yayakapin ng isang Arthur Montecillo? Nasa panaginip ba ako? Kung oo, wag nyo na akong gisingin oh. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon ng mabalik ako sa katinuan. Agad kong inalis ang pagkakapilupot ng mga bisig niya sa bewang ko at tumakbo palayo sa kanya. Hindi na ako nag-abalang tingnan siya. Bahala siya dyan. Ang lakas ng t***k ng puso ko at hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag mas lumapit pa siya sakin. Baka lumabas na ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng t***k nito. Akmang sasaraduhan ko ang pintuan ng may pumigil dito. Laking gulat ko ng makitang si Art ito. Blangko lamang ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Art, what are you doing here? Get out. I'm going to sleep." Nahihirapan man akong magsalita ay pinilit ko pa rin. Hindi niya ako sinunod at pumasok sa loob ng kwarto ko. Siya na rin mismo ang nagsara ng pinto. Damn it, Amara. Dapat hindi mo siya pinapasok. Tandaan mo, dapat galit ka sa kanya! "Get out." Ani ko. Pero naman, hindi pa rin nakikinig. Lumapit siya sakin na siyang kinabahala ko kaya napaatras ako. Habang palapit siya ng palapit ay paatras naman ako ng paatras at palakas ng palakas ang pagtambol ng puso ko. Heart heart wag kang lumandi. This is not the right time for that. Feeling ko ay lalabas na talaga ang puso ko sa dibdih ko sa lakas ng pintig nito at kusang iaalay ang sarili kay Art. Then, I get cornered by him. Bakit ba kasi ako umatras? Huhu. Someone help me! Malamig na pader na ang aking nasa likod. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko. He is really trapping me. Napalunok naman ako. "Amara.." he uttered my name. Ayokong tumingin sa kanya kaya binaba ko ang tingin ko. Ayoko siyang tingnan dahil nanghihina ako.. dahil isang tingin lang sa mukha niya, napapawi na ang mga ginawa niya. "Amara, look at me." No, Amara! Don't look at him! Hindi ko siya sinunod pero sinuntok niya ang pader sa gilid ko kaya kusa akong napatingin sa kanya. "Amara.." he said while caressing my cheek. Ano bang ginagawa niya? Alam ba niya ang ginagawa niya? Syempre hindi. He's drunk remember? Mapait akong napangiti. Tama, he doesn't know what he's doing right now. He's just drunk. Tama, lasing lang siya. Tinampal ko ang kamay niyang hinahaplos ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. "Umalis ka na, Art." Nangingilid na ang aking mga luha. Ang pait ng katotohanang hindi niya alam ang ginagawa niya ngayon.. na makakalimutan niya rin itong ginagawa niya pagkagising niya bukas ng umaga. "Amara.." nanghihina ang boses niyang banggit sa pangalan ko. Bakit ka ba ganito Art? I looked at him and I saw the sadness in his eyes. Ngayon, alam kong hindi na ako namamalikmata. "You're not going to leave me, right?" Anito. At ano ang ibig niyang iparating doon? "Wha—" At tuluyan ng tumigil ang pag-ikot ng aking mundo ng maglapat ng labi niya at labi ko. Natuod na naman ako. I want to push him away pero hindi ko magawa! Hindi ko magalaw ang katawan ko sa pagkagulat. Sino bang hindi? Art is kissing me. KISSING ME. Hindi ko alam pero unti-unting pumatak ang luha mula sa aking mata na kanina ko pang pinipigilan. Art cupped my face and stopped kissing me. Naramdaman niya yatang basa ang pisngi ko dahil sa luha. He's unbelievably looking at me. "Ssh, stop crying. Stop crying, My Amara." He wiped my tears off using his thumb. Natataranta na rin siya. Pinigil ko ang kanyang mga kamay at tumitig sa mga mata niya. "Umalis ka na, Art." Umiiyak na sambit ko. Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Art, bakit ka ba ganito? You despised me, right?! Then why are you doing this?! Pinapahirapan mo akong kamuhian ka. "No! I'm not gonna leave. I'm not going to leave you, okay? I'm not. Ssh, stop crying." Then he hugged me tight. Mas lalo naman akong napaiyak. Ayokong maramdaman itong pinaparamdam niya dahil mahuhulog na naman ako ng malalim. I already decided to move on. Pero paano ako makakamove-on nito? No. He's just drunk. Ngayon lang 'to. Tama, ngayon lang 'to. He won't remember what happened tonight. Minutes passed and he's not moving. I checked him and I get relieved when I saw him sleeping soundly.. Kahit mabigat ay dinala ko siya sa kwarto niya. He used to be like this before. He'll get drunk and I'll take care of him. Pero never niyang ginawa ang ginawa niya sa akin kanina. He just stole my first kiss! Damn this man. Noong kasal nga namin ay hindi niya ako hinalikan! I placed him on his bed and went to his bathroom. Kumuha ako ng bimpo at plangganang may tubig. Jusko Amara, hindi mo na dapat ito ginagawa. Pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan na lamang. Ngayon na lamang ito. Promise. Binasa ko ang bimpo at piniga ito. Una kong pinunasan ang kanyang mukhang namumula dahil sa pagkalasing. Inalis ko naman ang polo niya. Hindi ko siya minamanyak, okay? Pwede na rin pero pupunasan ko lang naman. Nang matapos ko siyang punasan ay kumuha naman ako ng damit niyang pantulog. Pantaas lamang ang papalitan ko sa kanya. I stared at his face. I'm tired of loving you yet my heart still wants you. Ginayuma mo ba ako, Art? I heaved a sigh before walking towards the door. Before closing it completely, I took another glance of him. I really love you, Art. I really do. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD