Chapter 4

1293 Words
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay namin ay namamawis na talaga ang aking mga palad. Pero teka nga. Bakit naman ako kakabahan aber? Wala naman akong ginagawang masama di ba? Nagpakawala ko ng isang malalim na hininga bago buksan ang pintuan ng bahay. Relax, Amara. Relax— Hindi pa man ako nakakatapak ay isang malakas na sampal na agad ang sumalubong sa akin. Napataligid ang aking mukha at umalingawngaw ang tunog ng pagkakasampal niya sa loob ng bahay sa sobrang lakas nito. Damn it. Ang sakit. Nangingilid na ang aking mga luha pero pinipigilan ko ito. "I TOLD YOU NOT TO FLIRT IN FRONT OF MY EYES!" Malakas na sigaw nito. Inayos ko ang sarili ko at buong tapang siyang hinarap. "Bakit? Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako? Edi saktan mo! Dyan ka naman magaling di ba? Ang saktan ako?" Pilit ko mang pinipigilan ang mga luha ko ay sadyang traydor at tuloy tuloy sa pag-agos. Ayoko ng umiyak sa harap niya. Damn. Lalagpasan ko na sana siya pero madiin niyang hinawakan ang braso ko. Napapikit ako sa sakit. "We're not done yet." Malamig ang boses nitong pagkakasabi sa akin. Inalis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at hinarap siyang muli. Marahas ko ring pinahid ang mga luha ko. Kung bakit ba naman kasi nasasaktan ako. Crap, ayoko na talaga. "May sasabihin ka pa? Sabihin mo na at naiinip na ako." Inip kong saad. Naghintay ako ng ilang segundo pero wala akong nakuhang salita sa kanya. Ano bang trip nito? "Sinabi ko sayong sumabay ka sakin kanina di ba?" Panimula niya. "Pumayag ba ako?" Sagot ko naman. Nagtiim bagang siya. Yan, magalit ka. Para mas lalo mo akong mabigyan ng rason para kamuhian ka. He grabbed my shoulders and held it tightly. Nanlilisik na naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Sinusubukan mo ba talaga ako?" "Kung oo, anong gagawin mo?" Blangko ang mga tingin kong iginawad sa kanya. He smirked. "Matapang ka na ngayon? Sa tingin mo magugustuhan kita kapag ganyan ka umasta? No, and never. Hindi mo—" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako magustuhan at hindi ko ito ginagawa para magustuhan mo ako. Hindi mo ba alam na naaasiwa na ako sa pagmumukha mo? Ngayon ay nagtataka na ako kung bakit isang katulad mo ang minahal ko. Hindi ka karapat-dapat mahalin." Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa kanyang mata. May isa pa akong emosyong nakita pero baka nililinlang lamang ako ng aking paningin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. May balak ba siyang piratin ako? "Sige lang saktan mo ako. Alam mo kung—" "DAMN IT! EDI MAGSUMBONG KA!" Sigaw niya at pinakawalan ako. Phew, takot namang mawalan ng mana. "Wag na wag mo akong tinatakot! Hindi mo alam ang pwede kong gawin sayo! At wag na wag mong susubukan ang pasensya ko, Amara. When I told you not to flirt, you'll not going to flirt anyone before me! Naiintindihan mo ako?!" He's being unreasonable! Ano ba talagang pinuputok ng butsi nito? "Wow. So malandi pala ako? So anong tawag mo sayo? Super malandi? Hindi ba't sa mismong BAHAY pa NATIN kayo naglalandian ng taong MAHAL MO? You're being unfair naman, Art. Sarap na sarap ka sa kabit mo—" Isang malakas na sampal ang nagpatigil sakin sa pagsasalita. "Don't you f*****g call her names, Amara." Nanggagalaiti niyang saad. Natawa naman ako sa narinig ko. "So what do you want me to call her?" Humarap muna ako sa kanya. "Flirt? w***e? s**t? b***h? Woe—" And for the third time, ginawaran na naman niya ako ng sampal. Sa kabilang pisngi naman. Damn you, Arthur! Damn you! Galit akong tumingin sa kanya habang umiiyak. Peste. Ayoko na talaga. Gusto ko ng matapos 'to. Pwede bang mamatay na lang ako? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ko noon? "YAN LANG BA ANG GAGAWIN MO? ANG KAYA MO? ANG SAMPALIN LANG AKO?! TANGINA ARTHUR! SA SOBRANG SARAP NG SAMPAL MO, GUSTO KONG PUTULIN YANG KAMAY MO! TANGINA TALAGA! HINDI KA PA TAPOS? ANO? SAMPAL PA! BINUBUGBOG MO AKO DATI DI BA?GAWIN MO! TANGINA NAMAN OO! PATAYIN MO NA LANG KAYA AKO?! TUTAL YUN DIN NAMAN ANG GINAGAWA MO SA AKIN NGAYON, PATAYIN MO NA AKO NG TULUYAN!" Huminga muna ako ng malalim. "HINDI KA PA BA NAPAPAGOD SA p**********p SA AKIN? ILANG TAON NA AKONG NAGHIHIRAP SA MGA KAMAY MO! HINDI KA PA MASAYA? OO NA, TANGGAP KO NAMANG HINDI MO AKO MAHAL AT HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN EH PERO TANGINA NAMAN, GUSTO KO BANG PAKASALAN KA? GINUSTO KO BA? THIS IS A f*****g FIXED MARRIAGE FOR f*****g SAKE! LAHAT NG GINAWA MO, TINIIS KO YON. LAHAT NG SAKIT, LAHAT LAHAT! TINANGGAP KO! PWEDE BANG AWAT MUNA? ANG SAKIT NA EH SOBRA. HINDI MO LANG AKO SINASAKTAN PHYSICALLY PATI EMOTIONALLY." Pinunasan ko muna ang mga luhang patuloy sa pag-agos sa aking mukha. "Masaya ka bang nasasaktan ako? Na ganito? Ano bang ginawa ko sayo? Minahal lang naman kita ah? Masama ba yun? Kasalanan ba yun? Sorry ah. Sorry talaga. Wag kang mag-alala, I'll call Mom and Dad to file a divorce. I'll ask Tito and Tita na rin para may makuha ka pa ring mana. Yun naman ang gusto mo di ba? Ayoko na. Nakakapagod na. Nakakapagod nang mahalin ang isang katulad mo. Mahal kita pero tama na. Sobrang sakit na. Kung yun ang purpose mo kaya ginagawa ito, hands up, napakagaling mo. Nagawa mo na. Nasaktan mo na ako ng sobra. Masaya ka na?" Tumalikod na ako at tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin dahil ayoko na. Nabibingi na ako sa boses niya. Nabibingi na ako sa mga sinasabi niya. Sobrang sakit ng puso ko. Pwede bang dukutin ko na lang ito at palitan ng bago? Para hindi na ito tumibok pa sa kanya. I locked the door of my room at sumampa sa kama. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak. Akala ko'y ubos na ang mga luha ko pero marami pa palang stock sa loob ng katawan ko. May tangke ba sa loob ng katawan ko at patuloy sa pag-iyak ang mata ko? Naman! Ayoko na talaga eh. Ayoko na. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba dapat matuwa siya at wala na sa kanya ang atensyon ko? He despises me that much kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagawa kong mali. "Ang tanga-tanga mo! Wag kang kakain ng isang araw!" "Ikaw? Mamahalin ko? Dream on." "Hinding-hindi ko mamahalin ang katulad mo! Nakakasuka ka." "Dyan ka sa kwarto mo at wag na wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi!" "Hindi ka si Shauna kaya hindi kita mamahalin." "I love you, Shauna. Mahal na mahal kita." "Mahal din kita Art." Sa dami ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin, damn, ayoko ng maalala. Ang sakit kaya. He's being too much! Kaya hindi na rin ako nakapagtimpi kanina. But hey, it feels good! Sa limang taon kong pananahimik at pagkikimkim ng sama ng loob sa kanya, ngayon ay nasabi ko na. Kulang pa nga iyon eh. Dapat sinabihan ko rin siya ng masasamang salita! Pero hindi ko kaya. Bakit ba kasi ang hina ko? Tangina naman oh. Nakakabwiset ang buhay ko. Maganda nga ako, mayaman, pero hindi naman ako masaya. Ngayong nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa kanya, makakatulog na rin ako ng matiwasay sa gabi. Ayoko rin namang kimkimin na lamang habang buhay ang sama ng loob ko dahil baka mas lalo akong makakain ng galit ko sa kanya at baka may iba pa akong magawa. Ayoko no'n. I don't want to do such thing. Hindi ako katulad niya at ayokong maging tulad niya. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD