Chapter 3

1389 Words
Hihikab-hikab akong naglalakad papunta sa classroom. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa kanya. Ayoko man, labag man sa aking kaloobang isipin siya ay taksil ang malandi kong isipan at patuloy lang sa pag-iisip sa kanya. Marami akong nakakasalubong sa hallway habang papunta sa room. Hindi pa naman ako late, ang aga ko nga eh. Ayoko kasi makita ang pangmumukha ng butihin kong asawa. Pero sino bang niloloko ko? Kahit saan naman yata ako magpunta ay mukha niya pa rin ang nakikita ko. He's not really a teacher. Well, he's a licensed teacher naman pero hindi niya ito ginagamit. Nag-teacher lamang siya because it is a request of his parents. For what? To look after me. Sila ang may-ari ng school at dati siya ang namamahala dito. Pero nagbago ang ihip ng hangin at mukhang nalipad ang utak ng aking mga biyanan kaya ayan, pinagturo ang butihin kong asawa. Kikiligin na sana ako eh pero wag na lang, nakakatamad. Malapit na ako sa aking room ng mapansin ang isang bulto ng tao na mukhang may hinihintay sa harap ng pintuan ng room namin. Nakatagilid ito pero kita ko ang kanyang mukha. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman kami friends kaya patuloy lang ako sa paglalakad. At wala rin akong pakialam sa kanya. Papasok na ako, malapit na. Pero may humawak sa aking braso kaya napatigil ako. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. "What do you need?" Inis kong tanong. "Is that how you greet me good morning? Good morning, by the way." All smiles niyang bati. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko. "There's no good in my morning especially if you're the one who'll greet me." Tinalikuran ko na siya at dali-daling umupo sa aking upuan. "Eh sinong gusto mong bumati sayo? Si Sir Art?" Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanyang turan. Pero agad ding nawala ng parang bula ito. Kung bakit ba kasi hindi na nga lang siya ang bumati sa akin. "Oh? Bakit bigla kang nalungkot dyan?" Nabalik ako sa realidad ng nagsalita ang asungot na ito. Nagbalik ang pagkulo ng aking dugo. "Shut up." Binaling ko na ang tingin ko sa labas. Ayoko na siyang kausapin. Hindi naman kami close! Feeling siya masyado. "Ang sungit mo talaga. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Aniya. Hindi ko na talaga siya pinansin pa at baka kung anong magawa ko. - Lunch na at patungo na akong cafeteria. I'm all by myself. I have no friends remember? Si Joseph naman ay tinakasan ko lang. Ang kulit eh, sunod nang sunod. Hindi na ako tinantanan. "Ms. Salvador?" Napatigil ako at napatingin sa likod ko dahil doon ko narinig ang boses ng tumawag sa akin. Pagharap ko ay isang babae ang nakita ko. Hindi ko siya kilala. "Pinapatawag po kayo ni Sir Monticello sa office niya." Umalis na rin siya pagkatapos sabihin iyon. Napataas naman ang kilay ko. Ano namang kailangan niya? Labag talaga sa aking loob 'to pero pumunta na rin ako doon. Hindi na ako kumatok at walang pasabing pumasok pero napatigil din ako ng marinig kong may kausap siya. "She's just nothing and you're my everything. Let's just wait until our ten-year contract ends and I'll marry you. I love you so much." Milyon-milyong karayom ang tumusok sa puso ko ng marinig ang mga salitang iyon sa kanya. Punyeta, bakit ang sakit? Bakit ganito? Pagod na ako di ba? Pagod na ako sa kanya pero bakit ganito? Hindi ba pwedeng kapag napagod na akong magmahal ay mapagod na rin ang nararamdaman ko sa kanya? Kahit pagod na akong iparamdam sa kanyang mahal ko siya ay mahal ko pa rin pala talaga siya. Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang yon habang sinasabi niya sa taong mahal niya pero masakit talaga eh. Lalo na kung hindi ako ang sinasabihan niya. Amara, matuto ka kasing kumatok! Hindi mo sana narinig ang pag-uusap nila ng babae niya! I scolded myself. Putangina. Akala ko manhid na ako, hayop. Dali-dali kong pinunasan ang mga taksil na luhang pumapatak galing saking mga mata. Hindi dapat ako umiiyak. Hindi na dapat. I composed myself. Matapang ka, Amara. Sinarado kong muli ang pinto at lumabas. This time, kakatok na ako. I knocked three times. I heard him said come in. Tumalima naman ako. Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa swivel chair niya. How to unlove him? Suggest naman kayo ng ways on how to unlove him oh. Ang sakit niya kayang mahalin, promise. Nakatayo lamang ako doon habang siya naman ay mataman akong tinitingnan. Nakakainis na titig yan ah. "Clean my office." Kusang tumaas ang isang kilay ko sa narinig. Hanggang dito ba naman ay uutus-utusan niya ako? Oo't siya ang may-ari nito pero duh, hindi niya ako katulong. "I'm sorry, Sir, but you can ask the maintenance personnel to clean your office. I have lots of things to do and cleaning your office is not one of them—" I was cut off when he slammed his desk. Blangko lang akong tumingin sa kanya. "How dare you to defy my orders?!" Oh? Galit ka na nyan? Pambihira! Hari?! Hari?! I heaved a sigh. I clenched my fist in annoyance. Calm down, Amara. Nasa school ka. Be professional. Estudyante ka at guro mo yang kaharap mo. Inirapan ko lang siya at nagsimula ng maglinis. Bwiset! Pasalamat siya at nasa school kami. Nagugutom pa naman ako. If I know, he just wants to t*****e me. Alam niyang lunch ko ngayon kaya ngayon niya ako pinaglilinis ng opisina niya para hindi ako makakain. Mga gawain niya. Tsk. Kabisadong kabisado ko na. Basta talaga kapag papahirapan ako, gagawa at gagawa siya ng paraan. Natapos akong maglinis ng walang imikang nagaganap. Pabor naman iyon sa akin dahil baka kung anong masabi ko pa sa kanya. Palabas na sana ako ng office niya ng magsalita ito. "Sumabay ka sakin pauwi." Napatigil ako sa paglalakad. Tama ba ang aking narinig? Nagiging bingi na ba ako nitong mga nagdaang araw? "What?" Hindi makapaniwala kong tanong. Don't get me wrong. Hindi ako excited, okay? Slight lang. Pero hindi nga kase. Hindi naman kami sabay pumasok at umuwi niyan eh. Nakakapagtaka namang isasabay ako nyan? Matsismis pa kami. Ayaw pa naman niya 'yon. "You heard me right. I'll wait you at the parking area after your dismissal." Walang emosyong saad nito. Lumabas na ako ng tuluyan at baka siya ay masapok ko lamang. Duh? Bakit naman ako sasabay sa kanya? Mamuti sana ang mata niya doon kakahintay. - Dismissal na at buo ang desisyon kong hindi sumabay sa kanya. Magko-commute na lang ako kesa sumabay sa kanya. Malapit na ako sa gate ng may umakbay sa akin. I looked beside me just to see Joseph's smiling face. Inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin. "Napakataray mo." Anito. Inirapan ko naman siya. "Thanks." Tipid kong sagot. Ay teka, ba't ko ba kinakausap 'to? "I didn't know that you would take that as a compliment, Ms. Amara Salvador." Inirapan ko siyang muli. Feeling ko ay magiging permanente na ang aking mata sa kakatirik dahil sa kanila. Bakit ba may mga nakakasalamuha akong katulad nila? "Shut the f**k up and don't talk to me." May diin kong sambit. Nakalabas na ako ng gate at nasa likuran ko si Joseph. Bakit ba hindi ako tigilan nito? "Sumabay ka na sakin pauwi." "No, thanks." Pagtanggi ko. Napatingin ako sa kanya at hinawakan na naman niya ang braso ko. Ano bang meron sa braso ko at hilig hawakan ng lalaking ito? "No. Ihahatid na kita sa inyo." Muli akong napairap. Ghaaad my eyes. Kapag nastuck ang mata ko, dudurutin ko talaga ang mata nito. "Ayoko nga di ba? Hindi ka ba—" naputol ang sasabihin ko ng mapalingon sa likuran ni Joseph. Si Arthur! Nagpapalinga-linga ito na parang may hinahanap. Oh man, holy s**t! Agad akong nagtago gamit ang katawan ni Joseph. "Fine, sasabay na ako sayo." Ngumiti pa ito sa akin. Tumalikod ako at nauna ng naglakad kahit hindi ko alam kung saan ang kotse niya. Hinawakan niyang muli ang braso ko at hinatak ako. Nang makapasok sa kotse ni Joseph ay nakita ko pa si Arthur na nakatingin sa akin kahit tinted ang salamin ng sasakyan. Nag-iwas ako ng tingin kahit hindi niya naman nakikita. I am doomed. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD