Chapter 2

1388 Words
Pagkaparada ko ng kotse ko sa garahe ay bumaba na rin ako. Maaga pa kaya for sure ay wala pa ang magaling kong asawa. Pagkapasok ko, dali-dali akong nagpuntang kusina. Gutom na ako. Naabutan ko doon si Nanay Mirna. Sa lahat ng kasambahay dito ay siya pinaka-close ko. Ay mali, siya lang pala ang close ko sa lahat sa kanila. "Oh, Amara hija, ang aga mo naman yata? Kasama mo ba si Sir Arthur?" Bungad na tanong sakin ni Nanay Mirna. Nag-iba agad ang timpla ng aking mukha ng marinig ang pangalan niya. Kung noon ay marinig ko lamang ang pangalan niya ay nangingisay na ako sa kilig, ngayon ay hindi na. Ang sakit pala sa tenga ng pangalan niya? Ba't ngayon ko lang napagtanto? "Nay nagugutom na po ako. At si Art? Nasa school pa ho. Mamaya pa ho iyon uuwi." Sagot ko kay Nanay ng makaupo ako. Umiling lamang si Nanay at umalis na sa harap ko. Pagbalik niya'y may dala na siyang pagkain. Wow, bilis. Is she flash? "Kakaluto lang kasi namin ng tanghalian. Oh siya sige, kumain ka na." Is she mind-reader? Gosh, may kapangyarihan ba si Nanay? Pinilig ko ang aking ulo para alisin ang iniisip ko. Nababaliw na yata ako at kung anu-ano ng pumapasok sa isipan ko. - Nagising ako dahil sa malakas na kalampag sa aking pintuan. Sino ba naman ang poncio pilatong walang hiyang kumakalampag sa aking pintuan?! Hindi ba niya alam na natutulog ang mahal na reyna?! Inis akong bumangon habang kusot-kusot pa ang aking mata para lamang pagbuksan ang pintuan— na dapat pala ay hindi ko na ginawa. Mukha lang pala ni Art ang aking makikita. Muli ko itong isinara pero agad niyang napigilan. Ano bang kelangan nito? "Kanina pa akong katok ng katok dito!" Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Lintik na mga mata yan ah. Sarap durutin. "Tulog ako. Alis, tutulog ulit ako." Walang gana kong sagot at akmang sasaraduhan ulit ng tuluyan na siyang pumasok. Padabog ko namang sinara ang pinto. "Anong kailangan mo? Are you going to punish me again?" I spread my arms wide open before continuing. "Ready na ako. Make it fast at inaantok pa ako." At hindi nga ako nagkamali. He grabbed my arm tightly. Galit na galit siya. Nag-iigting ang panga niya at kitang-kita ko iyon. "How dare you flirt right in front of my eyes." May diin niyang sambit. Ano raw? Putangina, ano?! Lumalandi? Ako? Ako talaga? Eh sa aming dalawa siya nga yung professional na malandi. Tangina, lakas mambintang! "I didn't know that the form of friendliness is now being considered as flirting, Sir." Sagot ko. At mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. My poor skin, magkakapasa ka na naman. "Don't make me swear, Amara. I will let this slip but the next time I saw you flirting with someone, let's see what I can do to you." And with that, he left me hanging. Eh gago pala siya eh! Nakuyom ko ang aking kamao sa inis. Ano bang problema niya?! Letse. Noong lumalandi siya sa harap ko mismo, nagreklamo ba ako? At tangina lang, hindi ako lumalandi. Hindi ko kasalanang maganda ako, bwisit! Don't make me swear, too, Arthur. At baka hindi mo magustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Matagal na akong nagtitimpi. Gusto ko ng ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa loob ko dahil sa kanya. Tama na ang paghihirap ng limang taon. Noon ay takot ako sa kanya, ni hindi nga ako marunong sumagot sa kanya at palaging sinusunod ang mga utos niya. Pero na-realize kong wala akong magagawa kung matatakot lamang ako. What is the difference between being scared and being a coward? Kapag takot ka, takot ka lang pero handa mong harapin ang takot mo. At ang pagiging duwag, ay yung hindi mo man sinubukang harapin ang takot mo kahit alam mong kaya mo. And I don't want to be a coward. I was not born just to be a coward. Kaya naman, heto, at ganito na ako. Isang araw ay nagising na lamang akong wala ng nararamdaman. Namanhid na yata ako eh. Kapag may inuutos siya ay hindi ko siya sinusunod kaya puro sakit ang natamo ko sa kanya. Pero noong una lamang iyon. I blackmailed him na sasabihin ko sa mga magulang namin ang ginagawa niya sakin. We have this deal na kapag hindi umabot sa sampung taon ang aming relasyon ay wala kaming makukuhang ni singkong duling sa mga magulang namin. Sigurista rin ang mga magulang namin eh kaya nakakainis. Kaya ayan. Malakas na ang loob kong sagot-sagutin siya. Ay aba! Tama na ang pagiging mahina at duwag. I suffered a lot of pain because of him at ayoko ng madagdagan iyon. Dahil hindi naman na ako inaantok ay lumabas na lamang ako. Anong oras na ba? I looked at my wrist watch just to see that it's already six in the evening. Woooooow, napasarap ang aking tulog. Bumaba na ako at nakita ko ang mga kasambahay namin na naglilinis. Hindi ko sila pinansin. Di kami close. Nagdiretso na lamang ako sa kusina dahil nagugutom na ako. May luto na kayang pagkain? Pagkarating ko sa hapag-kainan ay umupo na ako. May lumapit naman sa aking dalawang kasambahay. Nagtutulakan pa sila kung sino ang magsasalita. "Magsasalita kayo o puputulin ko mga dila nyo?" And with that, nanigas sila. Hehe. Ngumiti pa ako ng matamis sa kanilang dalawa kaya mas lalo silang namutla. Agad ko ring binura ang aking ngiti at nagseryoso. "Speak." "A-a-ahh, M-Ma'am.." bakit ba ganito ito magsalita? Hindi naman ako multo para katakutan. Ang ganda ko naman para maging multo! "Just bring me foods. Make it fast." Dali-dali naman silang umalis sa aking harap. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sila katakot sa akin. Noon naman ay wala lamang ako sa paningin nila. Na kahit puro dugo na ang aking katawan ay hindi nila ako binigyang pansin at binalewala. Tanging si Nanay Mirna lamang ang nag-asikaso sa akin. Hindi ko naman sila masisisi at mukhang kagagawan naman iyon ng aking butihing asawa. Pero ngayon kasi ay iba. Ibang Amara na ang kaharap nila. Hindi na mahina at duwag katulad ng dati. Dumating din naman sila at naghanda ng pagkain sa aking harapan. Bigla akong natakam ng makakita ng hipon at alimango. My favorites! Nagsimula na akong kumain ng matapos silang maghanda. Hindi ko pa nalalasap ang sarap ng aking paboritong pagkain ay may umepal na naman sa aking matiwasay na buhay. "And who told you to eat?" Malamig na boses ang nagpatigil sa akin. Letse naman kase, kapag ako talaga.. nako! Tiningnan ko siya ng masama. "And what? Gugutumin mo ako? Pamamahay ko rin ito at gagawin ko ang gusto ko. Kung ayaw mong kumain, lumayas ka sa harap ko." Nagtiim-bagang siya dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko kasalanang maging ganito ako. He made me like this. I continued eating pero nawalan na ako ng gana kaya tumayo na ako. Mu peaceful dinner is ruined by him! Nang lalagpasan ko na sana siya ay nagsalita ito. "You really have the guts to speak to me like that, Amara." He said coldly. I chuckled. "Guess what, I'm enjoying this." Sagot ko. Marahas siyang humarap sa akin. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Mga matang puno ng galit. Puro galit na lang ba ang makikita ko sa mga mata mo kapag tinitingnan ako? Bakit ba hindi mo ako matanggap bilang ako? "Don't make me lose my temper, woman." I smirked. "Awwww, I'm scared. Dali at saktan mo na ako. That's your forte, right? At baka magbago pa ang isip ko na sa halip na tumahimik, ilantad ko ang pinaggagawa mo. Bye bye, mamanahin." I gestured my hand waving a good bye. Ang sarap niyang inisin. I don't care if this provocation will lead me to my own death, as long as nakikita kong nagagawa kong kalabanin siya, ayos lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Napahawak ako sa pisngi ko ng makaramdam ng mainit ng likido. May epekto pa rin siya akin. Pinahid ko ang mga takas na luha sa aking pisngi at dumapa sa kama't sinubsob ang mukha sa aking unan. How long will I take this? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD