Bakit kaya sila magkagalit ni Marko? Hindi tuloy matahimik ang isipan ko. Ayaw namang magkuwento ni Craig. Ang sabi niya ay ganito na daw talaga silang magkakaibigan. Maaga kaming bumangon dahil kailangan nina Ate iyong kanilang marriage certificate para sa birth certificate ni baby. Kami na ni Craig ang kukuha, dahil mas alam ko kung saan iyon nakalagay. Nandito naman na si Manang at iyong isang katulong ni Madam. May dala silang pagkain para kay Madam. Hanggang sa penthouse ay sumama pa din si Craig sa akin. "Oh, umuwi ka na sa condo mo. Matulog ka muna tapos pumasok ka." Tamad siyang naupo sa sofa habang hinahanap ko naman dito sa library iyong marriage certificate nina Ate. "Oy, Craig. Kaya ko na. Ako na lang ang babalik doon. Uuwi din ako kapag nakabalik na si Kuya Ethan sa

