"Doon ako sa penthouse matutulog," sabi ko kay Craig pero basta na lang niya akong hinila palabas ng elevator nang huminto ito sa palapag kung nasaan ang unit niya. Hindi na lang ako nakipagtalo pa dahil gusto ko na din talagang matulog. Naligo siya bago matulog. Nagbihis naman muna ako bago nahiga sa kama. Mabilis lang ang ginawa niyang ligo. Akala mo nagmamadali at may hinahabol na oras pero hindi pa din naman papasok sa trabaho. Buti at hindi siya pinapagalitan ng kaniyang mga magulang. Ano ba ang ginagawa niya sa buhay niya? Siguro kailangan ko siyang ipagsindi ng kandila. Green na kandila para maganda ang agos ng pera sa kaniya. Ayaw kong ako pa ang maging dahilan ng kaniyang pinansyal. Nahiga siya sa tabi ko. Hinila niya ako at pinaunan sa kaniyang braso. Nakatalikod ak

