Nagkukuwentuhan sina Kuya Ethan at Craig. Si Ate naman ay hinayaan ko ng matulog, dahil tulog na si baby. Ako na din muna ang bahala sa kaniya. Bukas ay pupunta na daw ulit ang kaniyang mga magulang dito. Ang mommy ni Kuya Ethan ay baka maya-maya lang ay nandito na din. Baka umuwi ako mamaya sa penthouse. Pero ewan ko kung sa penthouse ako uuwi, lalo na at may lalakeng bantay sarado ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kaniya. Natigilan ako at naalala na naman iyong nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na masarap pala iyon. Iyong sarap na naramdaman ko kanina ay dama ko pa sa aking katawan, lalo na kapag naiisip ko kung paano niya iyon gawin kanina. Dumating na si Madam. Tuwang-tuwa siyang lumapit sa apo na mahimbing ang

