Papikit na sana ang mga mata ko nang marinig ko ang ilang boses sa labas. At ilang sandali pa nga ay nagbukas na ang pintuan. Pumasok si Madam at nakasunod sa kaniya ang tatlong mga tao na mukhang mga banyaga. Iyong isang babae na tantya ko na nasa edad kuwarenta ay napaayos ng salamin habang pinapasadahan ako ng tingin. Mabilis naman akong naupo. Nalilitong tumingin sa mga hindi pamilyar na mukha. Bago pa ako makapagtanong kung sino sila ay nauna na silang ipakilala ni Madam. "Mga representative sila ng mga Gallo, Anne..." Tango ang naging sagot ko kahit naguguluhan ako. Hindi ko talaga sila kilala. Hindi pamilyar. Sino ba ang mga Gallo na iyan? Humakbang sila palapit sa akin. Para bang hindi sila kontento na titigan ako mula sa pintuan nitong silid. Nakakunot ang kanilang

