"Ano'ng ginagawa mo dito? Nagpapaawa ka kay Craig?" Nilingon ko si Marko. Paano niya ako nahanap? At mabuti na lang nandito siya. Niyakap ko siya kahit na naiinis ako sa kaniyang sinabi. "Marko!" Natigilan siya pero kalaunan ay tinapik-tapik niya ang aking likod. "Nakapagdesisyon ka na ba?" marahan niyang tanong. Tumango-tango naman ako habang hindi mapigilan ang mga hikbi. Hindi ako puwedeng umiyak nang malakas dahil may mga dumadaang mga tao. Sa mga sandaling ito ay pinatitinginan na nila kami. Bumuntong hininga siya. "Hinanap kita, akala ko hindi na kita mahahanap." Tumango siya. "Alam kong hinanap mo ako," sagot naman niya. "Tara na. Hindi mo ito ginawa para magpahabol kay Craig. Gagawin mo ito para sa sarili mo. Naiintindihan mo ba, Anne?" "O-Oo. Gusto ko ng umalis di

