22

1533 Words

"Maupo ka," utos niya. Hindi pa din niya binababa ang isang kilay niya na nakataas. Nag-iwas ako ng tingin bago dahan-dahang naupo sa upuan na nasa tabi niya. Hiyang-hiya ako at gusto ko na lang na magkulong sa kuwarto pero kailangan kong makuha sa kaniya iyong sulat. Nagsimula na siyang kumain. Nakanguso naman ako habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Nanlalamig ang pakiramdam ko. "Magkuwento ka." Tumaas ang kabilang sulok ng kaniyang labi. Para bang nang-aasar siya. Umiling ako. Sinubukan kong kunin iyong sulat sa gilid niya pero pinitik niya ang kamay ko. "Aray!" reklamo ko pero nagpatay malisya lang siya. "Bakit pati brief idadamay mo, ha? Bukod sa pagsinghot-singhot, ano pa ang ginawa mo doon?" Namula ang aking buong mukha. Napayuko na ako. Hindi ako basta tumitik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD