"Mamayang gabi," paalala ni Craig sa akin bago siya umalis. Tumango naman ako bago ko sinimulang ligpitin ang mga pinagkainan namin. Sana nga lang at matulungan ako ni Craig, dahil kung pumalpak siya sa pagtuturo sa akin, gabi-gabihin ko siyang ipagsisindi ng kandilang itim. MABILISAN lang iyong ginawang make up ni Ate ngayon. Mag-j-judge daw ng singing contest ang babae, at gusto niyang maganda ang kaniyang make up. Nakakamangha sa galing si Ate Rose. Ag galing ng kaniyang kamay. "Mahilig lang akong manood noon ng mga vlogs, tapos nagpa-praktis akong mag-make up. May kaunting training din ako noon, dahil nag-work ako sa mall. Kung interesado ka sa make up, tuturuan kita." Hindi pa kami uuwi. Kakain kami sa labas ngayon. Gusto daw niyang kumain ng masarap ngayon. Tumawag siya ka

