"Dito na muna ako," sabi ko kay Marko. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Napatingin siya sa labas. "Magsisimba ka?" mapagduda niyang tanong. Sumabay lang ako sa kaniya dito sa Quiapo. Hindi ko kasi nakita ng ilang araw si Anne kaya pakiramdam ko kulang ako. Tsk! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Ayaw ko namang mambabae at baka mabugbog lang ako ng Mommy ko. "Oo. Ipagdadasal ko na mahanap mo na siya," sagot ko naman. Bumaba na ako ng sasakyan. Hinanap ko iyong sinabi ni Rose na tindahan ng mga dahon at mga kandila. Nahanap ko na. Tanaw ko na si Anne pero hindi muna ako lumapit sa kaniya. Namili muna ako ng kung ano-ano sa mga katabi niyang tindahan. Kunwari, nagkataon lang na napadpad ako dito. Aalis din naman ako agad. Gusto ko lang siyang makita. Siguro naman pagkatapos ay payapa na a

