Ilang beses kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. Ang ganda ko pala kapag naayusan. Ngumiti ako. Tipid na ngiti hanggang sa unti-unting lumapad. Nang magbukas ang pintuan ng elevator ay napatda pa ako. Kanina pa ako kinakabahan talaga. Kaya mo 'to, Anne. Bihira lang ang ganitong pagkakataon kaya sulitin mo na. Manginig-nginig pa ang aking mga daliri nang pindutin ko ang doorbell. Nagbilang ako hanggang sampu, bago ko ulit pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay nagbukas na ito. Nanghihina ang katawan ko sa kaguwapuhan niya. Ano ba iyan? "Hi," bati ni Marko. Laglag na ang puso ko. Tumikhim ako. Manginig-nginig pa ang labi ko nang sumagot ng Hello sa kaniya. Pinapasok na niya ako. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kaniyang sala. Maaliwalas at halos walang pinagkaiba

