"Mag-toothbrush muna ako." Hindi ko na hiningi ang kaniyang permiso. Basta na lang akong pumasok sa kaniyang kuwarto. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa banyo. Nandito pa din iyong toothbrush na ginamit ko. Tumabi naman sa akin si Craig. Nag-toothbrush din siya. Pasimple akong nakatingin sa kaniya habang nag-to-toothbrush siya. Napatingin din siya sa akin. Kinindatan niya ako kaya napairap ako. Natatawa naman siyang dumura bago nagmumug. Para hindi kahiya-hiya sa super bango niyang hininga, gumamit ako ng mouth wash niya. "Nalimutan ko pala iyong damit ko sa unit ni Marko," bulong ko. "Tsk! Kung saan-saan mo iniiwan ang damit mo." "Nagmamadali kasi ako, e. Bukas ko na lang kukunin." Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama. Nanatili naman siyang nakatayo sa labas ng banyo hab

