Hindi naman malaman ni Ate kung matatawa siya o maaawa sa akin. Kagat niya ang kaniyang labi habang nakatingin sa picture at sa brief ni Craig. Inis na inis ako sa sarili ko. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. "Give me alone muna, Ate Rose." "Huh?" Kumunot ang kaniyang noo. "Iwan mo po muna ako, Ate." Tinagalog ko na dahil hindi yata naintindihan ni Ate. Natatawa siyang tumalikod. Napaupo naman ako sa sahig. Iyong brief na hawak ko ay naihagis ko. Nakaramdam ako ng pandidiri sa aking sarili. Sininghot-singhot ko pa man din noon iyong brief. Gusto kong maduwal. Nakakainis! Ang tanga mo talaga, Anne! Tumayo ako at pinulot ulit iyong brief. Plano ko na sanang itapon kasama iyong bulbol ni Craig kaso baka kailanganin ko ito para masolusyunan ang problema ko.

