"Plano mo akong takasan, no?" Nilingon ko si Craig. Nakasunod na pala siya agad sa akin. Hindi ko pa nakikita kung maayos ba ang loob ng aming barong-barong. Napatingin naman sa amin ang dalawang matanda. Namilog ang mga mata nang pekeng manghuhula. Si Inay naman ay namamanghang nakatingin sa lalakeng nakatayo sa likod ko. Mayroon itong hawak na supot ng yelo at sa isang kamay ay isang bote ng coke. "Ah, aalis na ako..." Mabilis na nakaalis ang huwad na manghuhula. Napangiti naman si Inay. Nakabawi na siya sa pagkagulat. "Oh, Anak. May kasama ka palang bisita." Tumikhim si Craig. Nauna na siyang humakbang at pumasok sa loob ng bahay. Hindi man lang hinintay na sabihan siya na puwede siyang pumasok. "Kumusta po, Inay?" Napanganga ako. Ano? Inay? Natuwa naman si Inay sa kaniy

