"Hindi iyan tatalab sa taong hindi naniniwala," sabi ko sa kaniya para huwag na niyang ituloy ang pinaplano niya. "Wala bang mas mabisang paraan para mahanap ko iyong brief ko?" Kunot ang kaniyang noo. Kinunot ko din ang aking noo. Dapat kunwari hindi ko alam iyong sinasabi niya. Baka sa mga sandaling ito ay pinag-iisipan na pala niya ako ng hindi maganda. Baka mamaya asarin niya ako lalo. "Brief? Baka ninakaw n'ong babaeng nakabukaka sa kama mo," sagot ko naman. Buti at nakapag-isip ako agad. Tumawa siya. Mukhang naiwala ko na ang isip niya. "Ano ba'ng ginagawa mo dito?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at naupo sa kaunting espasyo sa gilid ng bangko. Napangiwi ako nang magkadikit ang aming mga braso, kaya umusod ng bahagya. "May nilakad lang kami," sagot niya. "Kailan ka

