"O-Okay po..." Tabingi na ang kaniyang ngiti. Nakangisi ako habang nakatingin sa kaniya. Napangalumbaba ako. Hapon na. Isang oras na lang lulubog na ang araw. Maganda siguro ang sunset dito. "Anne, bored ka na ba?" Napatingin ako kay Madam. "Hindi naman po..." "Hindi ka pa puwedeng umuwi. Binilin ni Craig." Nginitian ko lang ito. "Okay lang po ako, madam. Huwag mo po akong alalahanin." "Puwede po ba akong maglakad-lakad muna sa labas?" "Sige, balik ka din agad, ha?" "Sige po." Lumabas na muna ako. Mukhang matatagalan pa naman ang sekretarya. Sana wala siyang mabiling Tang Pineapple sa tindahan. Napahagikgik ako. Hindi ko pinapansin ang mga tao na nadadaanan ko. Baka mamaya manliit lang ako sa aking sarili. Alam kong nakatingin sila ngayon sa akin. Nagtataka at nagtatanong k

