54

2076 Words

"Ang tamis," sabi niya pagkatapos naming maghalikan. "Hoy, nag-toothbrush na ako, ah. Paano'ng nalasahan mo pa iyong ininom kong shake kanina." Tumawa siya. Umiling-iling siya at pinisil ang pisngi ko. "Kumain na tayo. Gutom na ako. Baka ikaw pa ang makain ko." "Aswang ka ba, Craig?" Binuhat niya ako at binaba sa lababo. "Oo. Aaswangin kita mamaya..." Kumindat siya bago naupo sa tabi kong upuan. Siya ang nag-ayos ng mga pagkain. Hindi ko na siya tinulungan. Nakatulala lang ako sa kaniya habang napapaisip sa maraming mga bagay. Ang guwapo ni Craig. Ang dami ding nagkakagusto sa kaniyang mga babae. Kung magkakaroon siya ng girlfriend, kawawa naman iyong babae. Madami siyang kaagaw, baka lagi din siyang nagseselos. "Bakit?" nagtatakang tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD