Pinaupo ko muna siya sa sofa. "Ano ba ang ginagamot sa ganiyan?" tanong ko habang nakapamewang. "Mangkukulam ka, di ba? Dapat alam mo..." Masama kong tiningnan si Craig. Ngumisi siya pero napaaray siya sabay sapo ng kaniyang basag na nguso. Nagpasuyo na lang ako sa kaniyang bodyguard para mabawasan ang pamamaga ng nguso at ilong niya. "Nasira tuloy ang kaguwapuhan mo.." sabi ko habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang mga sugat. "Don't make me smile. Masakit..." Umirap ako. "Ang tanda-tanda mo na nakikipagbasag ulo ka pa din." Pinisil-pisil niya ang aking mga braso. "You're so cute..." "Alam ko!" sabi ko naman. "Kiss lang ang gamot nito." "Paano ko hahalikan iyang labi mo, basag na." Pero hinalikan ko pa din naman siya sa bandang walang sugat. "Hindi na muna a

