Galit na naman si Craig. Hindi niya ako pinapansin kahit kinakausap ko siya. Nagtangka akong magpaliwanag pero sinabi niya na busy siya sa mga papeles. Naupo na lang ako sa sofa sa sulok habang hinihintay siyang matapos magtrabaho. Wala na ang Mommy niya. Umuwi na. Pagkatapos ng isang oras, tumayo na siya. Napatayo din ako at lumapit sa kaniya. "May meeting ka?" maingat at nananantya kong tanong. Masungit pa din ang kaniyang itsura. Sige na. Kasalanan ko na. Ako ang lumapit kay Marko nang makita ko siya sa labas. Pero hindi naman ako lumapit sa lalake dahil may gusto ako sa kaniya. Lumapit ako dahil magkakilala kami. Kaibigan siya nina Ate Rose at Kuya Ethan na naging amo ko. Hindi siya sumagot. Lumabas na kami ng kaniyang opisina. Pumasok sa elevator. Uuwi na yata kami. Sabag

