Nakahiga na si Craig sa kama. Hindi pa din niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung galit pa din siya sa akin. Siya naman kasi. Hindi talaga siya magaling na teacher. Umakyat na din ako sa kama. Gumapang ako sa gitna kung saan siya nakapuwesto. Nahiga ako sa kaniyang tabi. Yumakap ako sa kaniya. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Umunan ako sa kaniyang balikat upang tingnan kung galit pa din siya. Napangiti ako nang haplusin niya ang balikat ko saka halikan ang aking tuktok. "Craig..." "Hmmm?" Napangiti ako. Malambing na ulit siya. Bahagya akong bumangon upang tingnan ang kaniyang mukha. Nakataas ang kilay niya habang nakatitig din sa akin. Napangiti ako. Inayos ko ang aking buhok dahil nakalaylay ito sa kaniyang mukha. Pinisil niya ang pisngi ko. Ang lambing-lambing ng ka

