"Are you okay?" Nakatulala ako. Hindi masigla. Ilang araw ng ganito. Magaling naman na ako pero hindi na niya ulit ako hinayaang maglinis ng condo niya. May nagpupunta dito para maglinis. Masama ang loob ko, pero hindi ko masabi sa kaniya dahil baka mas lalo lang sasama ang loob ko kapag hindi pabor sa akin ang maging sagot niya. Sa hapon, may lesson ako. May nagpupuntang teacher, tumatagal ng 3 hanggang apat na oras ang lesson namin. Dito na din muna sa condo nagtatrabaho si Craig. Maghapon siyang nasa kaniyang library. Lalabas lang kapag kakain. "Gusto mo bang mamasyal? Nabo-bored ka na ba dito sa condo?" Niyakap niya ako at siniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Bumuntong hininga ako. "Hindi ka naman mainit." "Ayos lang ako, Craig..." Ewan ko kung nakalimutan na niya

