12

1522 Words

Hindi ako makatulog. Dapat sa mga oras na 'to ay nagdadasal na naman ako. Parang hindi ko kayang maghintay kung kailan mawawalan ng bisa iyong naunang orasyon na ginawa ko. Kinukulit lang naman ako ni Craig, e, pero hindi ibig sabihin n'on na may gusto na siya sa akin. Tingin ko ay hindi pa naman nakapasok sa kaniyang puso iyong orasyon. Tumagilid ulit ako. Hatinggabi na. Bumangon ako nang maalala ko iyong gatas sa ref. Sabi ni Ate ay malapit ng ma-expire kaya dapat maubos na. Kapag nakainom ako ng gatas, siguro naman ay aantukin na ako. Nagsalin ako sa baso. Pinuno ko na para mabilis maubos. Sa akin lang 'to pinapaubos ni Ate Rose, e. "Ba't gising ka pa?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Marko. May suot siyang salamin sa mata, medyo magulo ang buhok. Nakasuot siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD