"Miss, Miss... Langit na ba 'to?" Napalingon ako kay Craig. Akala ko hindi siya magpapakita ngayong araw, dahil nag-out of town si Kuya Ethan. Akala ko kasama din siyang nagpunta ng Laguna. "Naka-drugs ka ba, huh?" Natawa siya. "Akala ko nasa langit na ako. Mukha ka kasing anghel." Natawa si Ate Rose. "Ang corny mo, Craig. Pero na-miss ko iyang mga pick up lines mo." Nagtawanan silang dalawa. "Ba't ba ang hilig mo sa pick up lines?" "Wala lang. Trip ko lang." Nagsalin ako ng juice sa isang baso at binigay ko ito kay Craig. Habang nag-uusap silang dalawa ay napatitig naman ako sa lalake. May puwede kaya akong ipainom kay Craig para mapawalang bisa na iyong orasyon ko? Napatingin siya sa akin at matamis na ngumiti. Napangiwi naman ako sabay iwas ng tingin. "May lason ba ang mga

