CHAPTER 2

1331 Words
"Hay nako, hindi ka pa rin tumitigil sa kahahabol kay Ken?" tanong ni Avery na may halong pag-aalala para sa kaniya. "Hindi ano," pursigidong sabi ni Jess sabay ngisi sa kaibigan. Nandito siya sa bahay nito at tumatambay. Wala kasi siyang magawa roon sa cafe shop niya. "Ewan ko sa ’yo, Jess! Ilang ulit ko nang sinasabi sa ’yo na hindi seryoso sa babae iyang si Ken." "Huwag kang mag-alala sa akin, Avery. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapaibig." "Simula noong nakita mo siya sa bar, hindi mo na siya tinatantanan." Napabuntonghininga na lamang si Avery at umupo nang maayos sa kama. Samantalang si Jess naman ay biglang napangiti nang maalala niya ang unang pagkikita nila ni Ken sa bar kung saan siya nagsimulang maghabol sa binata. Naalala niya na nasa VIP Room at nagbo-bonding sila ni Avery noon. Nakakatawa nga dahil nakabusangot ang mukha nitong nabungaran niya. Kararating lang nito sa Pilipinas galing San Francisco. "Hi, friend," saad nito habang prenteng-prenteng nakaupo sa sofa at nagsasalin ng wine sa baso niya sa isang bar. "Hi," tipid na sabi nito. Napatigil siya sa pag-inom ng wine at nawala ang ngisi niya sa mga labi nang nahalata niyang may problema ang kaibigan. "Oh, kung makabusangot ka riyan ay parang pasan mo ang mundo ah," biro niya. "Tumigil ka! Bruha ka!" sita nito sa kaniya. "Anong problema?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Hindi ito umimik sa kaniya bagkus ay nakatingin lang ito sa kaniya. "Ay! Dedma lang ang peg ko rito? Ano ito? Guessing game ang lalaruin natin?" Sandali siyang napaisip. "Hulaan ko, si Zeo na naman ano?" may kumpiyansang sabi niya. Kumuha siya ng inumin at binigay niya ito sa kaibigan. "Tagay ka muna riyan," paanyaya niya. Inisang lagok lang nito ang alak. "Uhaw lang, teh? Ano ba ang problema mo?" nagtatakang tumingin ulit siya sa kaibigan. "Zeo," mahinang sabi nito. "Oh, ano na naman ang ginawa ng hayop na iyon?" "Hindi siya hayop, tao siya Jess," paliwanag nito. Napaismid siya. "Tao man o hayop, asal hayop pa rin iyon." "Sila pa rin pala." Tumingin ito sa kawalan at sabay lagok ng alak. Nagtatakang tinitigan niya ito. "Anong sila pa rin? Ano bang pinagsasabi mo riyan?" "Sila pa rin pala ni Clarissa." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ano naman sa ’yo kung sila pa rin ng impokritang dati mong bestfriend?" ''Ang sakit pa rin pala," naiiyak nitong sabi. Hinawakan niya ito sa kamay. "Friend naman, akala ko ba naka-move on ka na?" "Akala ko nga naka-move on na ako. Akala ko okay na ako at hinding-hindi na ako masasaktan pa. Sa anim na taon, ginawa ko ang lahat para makalimutan ko siya at ibaling ang pagmamahal ko sa iba pero noong nakita ko siya bumalik ang lahat – ang pagmamahal at sakit na naranasan ko sa kaniya. Nandito pa rin siya eh. " Tinuro ang dibdib nito. "Siya pa rin ang nagmamay-ari nito," humahagulhol nitong sabi. Naaawang tiningnan niya ang kaibigan. "Mawawala rin iyan. Hindi man sa ngayon, pero aabot ka roon. Mamanhid din iyan kapag nasanay ka na sa sakit na idinulot ni Zeo sa ’yo," pag-aalo niya at yinakap ito. "Salamat Jess dahil nandito ka at nakikinig sa kadramahan ko." "Walang problema. Bestfriend mo ako. I’m always here for you kaya tumigil ka na sa kakaiyak. Wait lang, Avery ha? Restroom muna ako," sabi niya at lumabas patungong banyo. Pagkarating niya pumasok kaagad siya sa cubicle at umihi na. Naghugas muna siya ng kamay bago lumabas sa restroom. Hindi niya alam na paglabas niya ay may mababangga siyang matipunong katawan. Pang-angat niya ng ulo ay napansin niya ang gwapong lalaki at napatulala siya. "Miss, tabi," pasuplado nitong utos sa kaniya. "Huh?" nakangangang tanong niya. "Sabi ko tabi riyan dahil dadaan ako." Napasunod siya sa utos nito. "A-ah okay, s-sorry. Ano pala pangalan mo?" Hindi siya nito pinansin at patuloy itong naglakad patungong banyo kaya hinabol niya ito. Kailangan niyang malaman ang pangalan nito. Nang hinawakan niya ito sa braso ay– "What?" Kunot-noong humarap ito sa kaniya. "Anong pangalan mo?" "None of your business," masungit na saad nito. "Sige na titigilan na kita basta sabihin mo muna sa akin kung ano ang pangalan mo," pangungulit niya kaya mas kumunot ang noo nito at bahagya itong yumuko at tinitigan siya nito kaya mas lalong humanga siya sa lalaki. Ang ganda ng kulay ng mga mata nito, nakakahipnotismo, ang sarap titigan. "Ken Schrutz." Tumalikod na ito sa kaniya pagkasabi ng pangalan nito. Napasimangot na lang siya sa ginawa nito, hindi man lang tinanong ang pangalan niya. Dumiretso na lang siya patungong VIP Room kung saan naroroon ang bestfriend niya habang wala pa rin siya sa sarili dahil sa paghuhumaling niya sa lalaki kanina. Nang tuluyan na siyang makapasok sa VIP room, nagtatakang tumingin sa kaniya si Avery. "Oh bakit namumula ang mga pisnge mo?" taas-kilay nitong tanong sa kaniya. "Iyon nga eh kinikilig ako, Ave. Grabe ang gwapo niya," tili niyang sabi dito. "Naiintindihan mo ba ang lahat nang sinasabi ko?” "Hindi." Iling nito. "Nakita ko na ang man of my dreams," kinikilig niyang sabi at hinawakan ang mga kamay nito. "Sabi ko na nga ba, kitang-kita nga sa mga mata mo pa lang alam kong may nagugustuhan ka," pagsang-ayon nito at pansin niyang masaya ito dahil ngayon lang siya humanga sa lalaki sa tanang buhay niya. Impit na tumili siya, hindi niya talaga mapigilan ang sarili niyang hindi tumili. "Tumigil ka nga parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo," sita nito sa kaniya. "Iba ito, parang lalabas na ang puso ko sa ribcage ko. Alam ko na siya na talaga." Kinuha niya ang kamay nito at nilagay ang isang kamay sa parte ng dibdib niya. "Feel mo iyon?" biglang tanong niya. "Siya na talaga." Ngumiti ito sa kaniya. "Oo, nararamdaman ko ang lakas ng pintig ng puso mo. Teka nga." Napatigil ito sandali. "Sino ba iyang lalaking iyan at alam mo ba ang pangalan niya?" Tumango siya, "Oo, Ken ang pangalan niya." "Ken?" Kumunot ang noo nito. "Oo Ken. Ken Schrutz." "K-Ken Schrutz?" gulat na sigaw nito kaya nagtaka siya kung bakit ito sumigaw nang pagkasabi niya sa pangalan ng lalaki. Kilala ba nito si Ken? "Friend, alam mo namang mahal kita, 'di ba?" Kahit nagtaka siya sa inaasta nito, napatango na lang siya. "Susuportahan kita sa kung sinong magiging karelasyon mo. Pero puwede bang huwag lang si Ken?" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit may relasyon ba kayo ni Ken? Sabihin mong hindi kayo please lang," nagmamakaawang sabi niya rito. "Kung makapagsabi ka naman sa ’kin nang ganiyan ay parang hindi mo ako kilala. Hindi ako papatol doon, ano," tanggi nito. Nakahinga siya nang mabuti nang banggitin nito iyon. "Bakit ba ayaw mo sa kaniya?" nagtatakang tanong niya. "Jess, certified casanova iyon eh," paliwanag nito. "Ano naman kung casanova siya? Ave, kahit casanova iyon gagawin ko ang lahat para magbago siya. Hindi ako titigil hangga't hindi siya magbabago," pangungumbinsi niya. Napabuntonghininga ito. "Masasaktan ka lang, Jess," pag-aalala nito sa kaniya. "Avery, huwag kang mag-alala sa akin. 'Di ba sinabi mo na susuportahan mo ako?" Tumango ito kahit kinakabahan ito sa gagawin niya at alam niyang nag-aalala ito sa kaniya. "Jess, friend siya ni Zeo." Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin kay Avery. "Totoo?" Tumango ito. "Bakit hindi mo sinabi kaagad?" "Tinanong mo ba ako?" Umiling siya. "Paano mo malalaman kung hindi ka nagtanong." Napaismid siya sa sinabi nito. "Oh bakit tulala ka riyan?" Nagbalik-tanaw siya sa tanong nito. "Bakit tulala ka riyan?" Nilingon niya ito. "May iniisip ako." Napangisi ito para bang nahulaan na nito kung anong iniisip niya. "Alam ko na kung sino ang iniisip mo. Si Ken ‘yan." "Bakit mo alam?" "Jess, kahit hindi mo sabihin sa ’kin. Alam kong si Ken ‘yan. Palagi mo kayang bukambibig ang lalaking iyon. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay bigla ka na lang dalhin sa mental hospital dahil nababaliw ka na sa pagmamahal mo kay Ken." Napasimangot siya rito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD