CHAPTER 3

1316 Words
Napabalikwas siya sa lakas ng alarm clock niya. "Buwisit kang alarm clock ka!" galit na sabi ng dalaga. Hinagis niya ito sa pader. "Iyan ang napapala mo. Panira ka ng tulog buwesit." Nagtalukbong siya ulit at pumikit na. Matutulog na sana siya ulit nang biglang – "Jess Stefano!" "Aray!" daing niya nang nahulog siya sa sahig nang biglang may sumigaw. "Putragis naman oh! Istorbo! Gusto ko lang naman matulog," sambit niya habang hawak-hawak pa rin ang balakang niya nang tumayo siya galing sa pagkabagsak sa sahig. "Anong sabi mo!" sigaw mula sa likuran niya kaya napatalon siya sa gulat at humarap dito nang dahan-dahan. Napasigaw siya. "Unggoy!" turo niya sa kaharap. Nanlaki ang mata niya nang makita ang itsura ng ina. Lumaki ang butas ng ilong nito. ."Did you just call me a monkey?" mariin nitong tanong sa kaniya kaya napalunok siya dahil sa takot. Alam niyang galit ito dahil tinawag niya itong unggoy. Nagulat lang naman siya nang makita ang itsura nito. Sinong hindi magugulat kung ang kaharap niya ay sabog ang buhok na parang ilang libo nang hindi nasusuklayan at maitim pa ang mukha. "Do I look like a monkey, Jess Stefano!" Tinakpan niya ang dalawang tainga niya dahil sa lakas nang sigaw nito. "Peace." "What's happening here? Bakit nagsisigawan kayo rito?" Nagtatakang tiningnan siya ng ama niya nang makapasok na ito sa silid. Hindi nito napansin ang asawang nakatayo malapit sa sofa. Nang nakaupo na ang ama niya sa kama saka lang napansin nito ang asawa. Halata sa mukha ng daddy niya na nagpipigil ito ng tawa. Sumimangot ang ina niya nang makita nitong nagpipigil ng tawa ang asawa niya. "Huwag kang magpigil diyan, Kris. Hahambalusin na talaga kita ng tsinelas, makikita mo." Hindi na nga talaga napigilan kaya humagalpak na sa tawa ang asawa niya. Kulang na lang ay gumulong na ito sa sahig. Padabog na lumabas ang ina niya at pabagsak na sinara ang pinto kaya napangisi sila sa lakas nito. "Hala ka, Dad. Lagot ka kay Mom," pananakot niya. "Huwag mo akong takutin nang ganiyan. Hindi lang ako ang may kasalanan dito. Ikaw din," paalala nito sa kaniya. "Pero Dad, sino ang malakas tumawa sa ating dalawa?" "Ako?" parang hindi siguradong sagot ng ama habang nakaturo ito sa sarili. "Sinong sumang-ayon na mukhang unggoy si Mom?" "Ako." "Oh, edi ikaw ang may kasalanan dito." Napangangang napatitig ito sa kaniya at hindi makapaniwala. "Ang galing mo talagang magpaikot ng usapan," manghang sabi nito. "Kanino pa ba ako magmamana? ‘Di ba sa inyo rin po." "Oo na, sa akin ka na nagmana. Oh sige na lalabas na ako," sukong sabi nito at ginulo ang buhok niya. Tumayo na ito at naglakad papalabas ng kwarto ngunit bago pa ito tuluyang lumabas bigla na lang itong ngumisi sa kaniya sabay sabing, "maligo ka na ang baho mo." Napanganga siya habang napatitig sa nakasaradong pinto kaya inaamoy niya ang kaniyang sarili. "Hindi naman ah." Napakagat-labi siya nang matauhan siyang inaasar lang pala siya ng kaniyang ama. "Dad, hindi ako mabaho!" sigaw niya rito. Narinig na lang niyang tumawa lang ito. Padabog na sinara niya ang pintoo ng banyo at nagdesisyong maligo. Mga ilang minuto ay natapos na rin siyang maligo at kaagad din nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na sa hapag-kainan. Pagpasok pa lang sa kusina ay nakita niyang nag-aabang na ang mga ito sa kaniya. Pagkakita ng kaniyang mommy sa kaniya ay napaismid ito. Alam niyang nagtatampo pa rin ito kaya niyakap niya kaagad ito para mawala ang tampo sa kaniya. Napangiti siya nang tinapik-tapik ng kaniyang ina ang kaniyang likuran kaya ngumisi siya sa ama niya. Bakas sa mukha nito na hindi pa rin ito pinapatawad dahil nakasimangot at nakanguso na parang bata. "Oh sige na, upo ka na riyan." "Mom, sa susunod huwag ka nang maglalagay ng ganoon sa mukha mo para hindi ka mapagkakamalang unggoy," paalala niya. "A-Ako pa talaga ang may kasalanan dito." Napaismid ito at bumaling ito kay Daddy. "At ikaw tumigil ka sa katatawa kung hindi sa labas ka ng kwarto matutulog," Napanguso lang ang ama niya at hindi na umimik. "Oh anak, kumusta na pala ang coffee shop mo?" tanong ng mommy niya. "Okay naman po, lumago naman po siya. May ibang branch na nga ako sa iba't ibang lugar." Napangiti naman ang mga magulang nito sa kaniya. May coffee shop siyang negosyo at may sampung branch. Ipinamana ng mga ito iyon sa kaniya kaya sa awa ng Diyos nakayanan niyang ipalago lalo ang coffee shop. Only daughter kasi siya kaya siya lang ang inaasahang magpalalago ng negosyo ng mga magulang niya. Maaga siyang nakarating sa J Coffee and Pastry Shop. Marami siyang mga tauhan dito. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga ito kapag wala pang mga customer na darating. Naglakad siya papunta sa kaniyang opisina para kumuha ng sobre para ipasweldo sa mga tauhan niya. Pagpasok pa lang niya, dumiretso agad siya sa kaniyang volt na nakatago sa bookshelf niya. Kinuha muna ang mga nakatabing dito at pinindot kaagad ang password. Then, the volt clicked and she opened it. Kinuha niya ang 15 white envelopes at nilagay ito sa mesa. Pagkatapos niyang i-lock ito, lumapit siya kaagad sa mesa niya at kaagad ding umupo. She pressed the intercom button and said, "Yen, come here to my office." Afterwards, she goteld the white envelopes. A minute later, the door opened. "Bakit po, ma'am?" bungad na tanong nito sa kaniya. "Yen, here take this." Binigay niya ang hawak na sobre. Nagtataka naman itong tinanggap. "Mamaya ko pa sana ibibigay ang mga suweldo ninyo kaya lang may pupuntahan pa ako." Kaagad din itong nagpasalamat at lumabas na rin sa opisina niya. Nagbihis na rin siya at agad na ring lumabas. Kailangan niya kasing puntahan si Ken. Matagal-tagal na rin siyang palaging bumubuntot-buntot sa binata, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasawa sa kahahabol. Na kahit sinusungitan at paulit-ulit na tinataboy ay hindi pa rin ito sumusuko. Bagkus, mas naging interesado ang dalaga at challenging para sa kaniya ang binata. Pagdating niya sa kompanya ni Ken, tumungo kaagad siya sa opisina nito. Hindi na kinailangan ng I.D na ipapakita sa security guard dahil kilala na siya sa pagiging buntot ni Ken. May pakanta-kanta pa siyang nalalaman habang papasok sa opisina nito. Napatigil siya sa pagkanta nang may kahalikan itong babae. Nanggagalaiti na lumapit siya sa mga ito at agad na hinablot ang buhok ng higad at kinaladkad palabas ng opisina. "Huwag ka nang babalik dito! Malandi kang babae ka!" Pinagpag niya kaagad ang kamay niya at baka mahawaan pa siya sa kalandian nito. Nakangiting humarap siya kay Ken. “Why did you do that!" Kumunot ang noo nito at madilim ang anyo ng binata at kung makatitig sa kaniya aynakapapaso dahil sa galit. "Wala ka bang ibang alam gawin sa buhay kung 'di istorbuhin ako at pinapahiya mo pa ang kasama kong babae?" Napalunok siya upang alisin ang tila nakabara sa kaniyang lalamunan. "K-Ken, gusto ko lang naman na ilayo ka sa ganoong klaseng babae," nauutal niyang sabi. "Ganoong klaseng babae?" pagak itong natawa. "Anong tingin mo sa sarili mo?" Naiwan naman siyang tulala habang ang binata ay nakalabas na ng opisina. Kaagad na nilapitan ni Ken ang nasaktang babae na kinaladkad kanina ni Jess. "Are you okay?" malambing na tanong niti. Ngumiti ito sa babae. "Yeah, I'm fine." Hinapit nito iyon sa baywang at kaagad na binigyan ng mapusok na halik sa labi na kaagad naman nitong tinugunan. *** Napansin ni Ken nakatayo si Jess malapit sa pintuan ng opisina niya at malungkot itong ngumiti sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kanila, akala niya pipigilan siya nitong makipaghalikan pero nakaramdam siya nang panghihinayang nang dumaan lang ito sa tabi nila at hindi na lumingon pa sa kanila si Jess. Bakit nakararamdam ako ng lungkot? Bakit nasasaktan ako na hindi nang hin ito lumingon sa akin? Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo para mawala ang iniisip niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD