CHAPTER 4

1804 Words
Bagsak ang balikat nang bumalik siya sa kaniyang coffee shop. Nagtungo kaagad siya sa kaniyang opisina at isinubsob niya ang sarili sa trabaho para maibsan ang sakit na nararamdaman sa nasaksihan niya kanina. Inabot siya ng tatlong oras sa harap ng laptop niya. Hindi niya kasi natapos ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan para sa bagong building na ipagagawa niya. Nang makadama siya ng pangangalay, ginalaw-galaw niya ang kaniyang leeg at sinandal ang likod sa sandalan ng swivel chair at marahang pumikit. Naramdaman na lang niyang may humaplos sa kaniyang pisngi na siyang pumukaw sa naidlip niyang diwa. Dama niya ang init na hatid ng palad nito na nagpakakalma sa kaniyang sistema. Pamilyar sa kaniya ang pabango na ginamit nito, iisa lang ang kilala niyang gumagamit ng ganoong pabango. Imposible namang si Ken ito, kanina nga nakita niya ito na may kasamang ibang babae at naghaharutan pa talaga sa harapan niya. Hindi ba niya alam na nasasaktan ako sa pinapakita niya na paiba-iba ang kasama niya? Puro mga linta, mabuti sana kung maganda, hindi naman. At ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang maramdaman niya ang isang magaan na halik sa labi niya na gumising sa kaniyang natutulog na pagnanasa. Ganoon pa man, pilit pa rin niyang pinikit ang kaniyang mga mata dahil gusto pa niyang maramdaman ang labi nito. Nang maramdaman nitong gumalaw siya ay saka lang lumayo ang labi nito sa kaniya. Nakaramdam siya nang pagkadismaya. Tumigil din ito sa paghaplos sa kaniyang pisnge. "Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya sa kaharap nang minulat ang kaniyang mga mata habang ito ay nakayuko. Parang may kamay na humaplos sa kaniyang puso na nagpagagaan ng damdamin niya nang sumilay ang magandang ngiti nito sa kaniya na ngayon lang niya nakita. "Bawal ba ako rito?" "Hindi naman sa ganoon. Kaya lang nagtataka lang ako kung bakit ka pumunta sa coffee shop. May lunch date pa kayo ng kasama mong babae, ‘di ba?" nakasimangot niyang tanong. Napangisi ito habang nakatitig ito sa kaniya. Napansin niya sa mga mata nito ang aliw at saya na kausap siya. Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo baka guni-guni lang niya iyon o baka dahil tapos na ito sa iba ay siya naman ang naisipan nito na gambalain. Imposible namang ganoon ang binata sa kaniya na masaya kapag kausap siya. Suntok sa buwan ang tawag doon. "Ah, ganoon ba? Hinatid ko na siya sa bahay nila. Kaya ikaw naman ang pinuntahan ko rito." Ang kanina niyang naramdamang saya ay bigla na lang naglaho. Alam naman niyang hindi siya uunahin nito dahil may ibang nakapagpasasaya sa binata. Akala pa naman niya ay – hindi na lang niya ito itutuloy, nadidismaya lamang siya. Tipid na ngiti ang ibinigay niya rito at tumango-tango siya. "Kaya pala nandito ka ngayon, kapag tapos ka na sa isa ako naman ang pipiliin mo," mahinang sabi niya na hindi nito narinig. Napakunot ang noo nito. "Huh? Pakiulit nga ng sinabi mo. Hindi ko naintindihan ang huli." "Ah. Sabi ko kaya ka pala nandito," ulit niyang sabi rito. Nagtatakang nakatingin siya rito nang umiling ito. "Hindi iyan, iyong panghuli mong sinabi na hindi ko narinig dahil parang binubulong mo lang." Napailing siya rito at ngumisi. "Iyon na nga ang sinabi ko." Nagkibit-balikat na lang ito at hindi pa rin sang-ayon sa sinabi niya. "Okay, kung iyon nga ang sinabi mo. Have you eaten your lunch, Jess? Sabi kasi ng tauhan mo hindi ka pa raw kumakain. Bakit?" "Tapos na akong kumain," she lied. Hindi totoong kumain siya ng tanghalian dahil ang totoo ay wala siyang ganang kumain dahil sa sinabi nito at nakita niya kanina sa opisina nito. Napabuntonghininga na lang siya. Kailan ako titigil sa kakahabol sa kaharap ko? "Where's your phone?" "Bakit?" Nagtaakang tiningnan niya ito. “Basta akin na," seryosong utos nito kaya kahit na nagtataka siya ay kinuha niya kaagad ang phone niya na nasa bag at ibinigay rito. May tinipa ito sa phone niya pagkatapos ay mabilis naman nitong ibinalik. Biglang nag-ring ang phone niya at napatingin siya roon. Unknown number. Hindi siya sumasagot sa hindi niya kilala pero sa 'di malamang dahilan ay pinindot niya ang accept. Sumimangot na lang siya nang bigla na lang nag-end ang call. "That's my phone number." Nagtatakang tinititigan niya ito. "At bakit?" "In case of emergency. Tatawagan kita kaagad. Gusto mo bang magka-chance na manligaw sa akin?" Kumislap ang mga mata niya sa sinabi nito at bigla siyang nakaramdam ng pag-asa rito. Biglang naging masigla siya at bumalik ang lakas at bahagya siyang napangiti. "Gustong-gusto." Kahit baliktad ang sitwasyon nila, na siya pa ang nanliligaw imbes na ang lalaki, ay okay. Napailing na lang siya sa kaniyang iniisip. "Iyon naman pala. Tomorrow, I will call you." Tumayo na ito at hinalikan siya nito sa labi. Natulalang sinundan niya ng tingin ang papalabas na binata habang siya ay nakahawak pa rin sa labi niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. He kissed her on the lips. Oh to the M to the G! He kissed her lips. "Oh my God. Lord, ito na po ba ang ibinigay mo sa akin? Pag-asa na ba ito! Grabe na ito. Hindi na ako makahinga sa sobrang kilig," tiling sabi niya. "Grabe may–" Sinamaan niya ng tingin kung sino ang sumira sa moment niya. Ang isa sa staff niya na bumulabog sa kilig na nararamdaman niya kanina. "Ma'am, may nangyari ba sa—" Napatigil ito sa pagsasalita nang binato niya ang tissue box na nasa mesa sa mukha nito kaya nasapol. "Panira ka ng moment eh." Napangiwi ito sa ginawa niya. "Kapag alam mong tumili ako rito, alam mo na kung ano ang nangyari sa akin. Alam mo ba ang ibig sabihin ng kilig, ayon iyon. Buwisit," inis na sabi niya. Napakamot naman sa ulo ang staff niyang waiter. "Sorry po, ma'am. Hindi ko naman po alam na may boss na pala akong baliw dito." Akmang ibabato na sana niya ulit ang isa pang natitirang box nang bigla na lang nitong sinara ang pinto. "Buwisit," bulong niya sa kawalan at pabagsak na umupo sa swivel chair niya at napahawak na naman siya sa kaniyang labi. Nang unang maramdaman niya ang labi nito, nakakaadik. Ang sarap humalik nito kahit dampi lang. Napabuntonghininga siya at kinuha ang nag-iisang litrato na kinuha niya kanina sa opisina nito. At kinausap ito, ."Kailan mo kaya ako mamahalin, Ken? Kahit na maraming babaeng dumaan sa mga kamay mo, mamahalin pa rin kita basta ba ako ang kahuli-huling babae sa buhay mo. Hindi iyong laro lang," nakangiting sabi niya. "Buti ka pa rito sa litrato marunong ka pang ngumiti pero kapag kasama mo kaya ako, palagi ka bang ngumingiti?" Hindi alam ni Jess na may nakikinig na pala sa labas at humahagikhik sa sinabi niya. "Parang baliw si Ma'am, ano?" natatawang sabi ng isa sa mga tauhan ni Jess. ''Oo, kinakausap niya ang sarili niya. Ipadala na lang kaya natin siya sa mental hospital.." "Sinong ipapadala sa hospital?" nagtatakang tanong niya noong binuksan niya ang pinto. At gulat na napatingin ang mga ito sa kaniya. "Ah eh wala po, ma'am," sabi ng assistant niya. "Wala talaga?" ulit niyang tanong. Umiling ang mga ito sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang siya at tinalikuran na lang ang mga ito. *** Napangisi na lang si Ken pagkaalis sa coffee shop ni Jess. May dahilan na siya para makausap niya ang dalaga. Hindi nga niya alam kung bakit pa niya hinihingi ang phone number nito. Ang kaniya lang ay gusto lang niyang marinig ang boses ni Jess para kumalma ang buong sistema niya, para bang gumagaan ang pakiramdam niya kapag ito ang kausap niya. Ang boses nito at ang boses ng mahal niya ay parehong-pareho, hindi diya puwedeng magkamali. Napabuntonghininga na lang siya at napatingala sa langit nang maramdaman niyang umuulan. Para bang nakikisama ang ulan sa nararamdaman niya ngayon. It has been two years, hindi pa rin niya nakalilimutan ang babaeng mahal na mahal niya. Kinuha niya ang phone sa kaniyang bulsa ng pantalon nang tumunog ito. Kaagad niyang sinagot nang makita niyang si Craig ang tumatawag "Why are you calling?" nagtatakang tanong niya sa kabilang linya. "Buti buhay ka pa. Akala namin nagpakalunod ka na naman sa alak dahil kapag tag-ulan naaalala mo na naman siya." "How can I forget her if I still love her?" "Dude, alam namin na mahal mo siya pero uso din ang mag-move on, okay?" Bumuga siya ng hangin bago niya ito sinagot. "Yeah, I know but how? Kahit ilang babae na ang dumaan sa akin wala pa rin. Wala pa ring makakapantay sa kaniya." "Ken, paano ka magbabago kung ibabase mo lahat ng babae sa kaniya." "Alam ko, kaya nga gusto ko na siyang makalimutan. May nakakuha na ng atensyon ko, Craig." "Sino?" Halata sa boses nito na interesado sa sasabihin niya. "Si Jess." "Jess, ah iyong babaeng ikinuwento mo sa amin na palaging humahabol sa 'yo. Gusto nga namin siyang makita pero ayaw mo naman. Takot ka bang maagaw namin siya sa 'yo? Dumilim ang mukha niya sa sinabi nito. "Steal her away from me. I will not think twice about twisting your neck. She's mine so back off." He heard a woooh sound in the background. Based on the background he knew that his mental friends were there. "Ngayon ka lang namin narinig na naging ganiyan ka Ken ah. Base sa boses mo parang pag-aari mo na siya," kantyaw sa kaniya ni Wayne. "What the hell are you talking about?" kunot-noong tanong niya. "Sus! Huwag ka ng tumanggi, halatang-halata na may gusto ka sa babaeng iyan." "She has a name and you are all wrong, I don't like her." "Hindi nga ba?" Napatahimik siya sa tanong ni Ramm, parang nagkagulo lahat ng nasa isip niya sa simpleng tanong nito. "Silence means yes." He shook his head and he sarcastically laughed. "Nagkakamali kayo. Gusto ko lang siya dahil kaboses niya si Jennifer." Biglang natahimik ang nasa kabilang linya. "Still there?" "Ah, yes, we are still here. We are totally shocked of what we heard right now. Dude, they are not the same. Mali iyang ginagawa mo. Gusto mo siya dahil gusto mo siya. Hindi iyong gusto mo siya dahil lang kaboses siya ni Jennifer," sagot sa kaniya ni Zeo. "This is my life,,dude. Gusto ko lang maging masaya ngayon. Ayaw ko nang maging malungkot kapag tag-ulan." Rinig niyang napabuntonghininga ang nasa kabilang linya. "We know that you miss her but it has been two years, dude. Let her go, let go of the past. Just focus on your present," saad sa kaniya ni Craig. Mga ilang sandali lang ay natapos na rin sila sa pag-uusap ng mga kaibigan niya. Kahit hindi tama ang gamitin ang dalaga, hindi ito iniisip ng binata dahil ang gusto lang niya ay makasama ito. At maging masaya naman siya kahit sandali lang. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD