Warning 18 below is not allowed to read this SPG Naalimpungatan siya ng tumunog ang kanyang cellphone .Kinapa-kapa niya ito sa ibabaw ng mesa habang nakapikit siya.Nang mahawakan niya ito ay sinagot niya kaagad na hindi man lang inalam kung sino ang tumawag ng ganitong oras. "Hello,Who's this?" [H-hello Jess Good Morning] Napadilat siya at napabangon sa kama ng marinig niya ang boses ni Ken .Parang bumuhay ang lahat ng dugo sa katawan niya ng marinig niya ito at biglang lumakas ang tambol ng puso niya .Ito lang talaga ang nakakapagbigay saya sa buong buhay niya.Nakaramdam siya ng kiliti dahil tinawagan siya nito "Ah bakit ka napatawag sa ganitong oras?" [Kasi nami-miss kita kaya ganoon.Tinawagan na kita kaagad at gusto kong marinig ang boses mo Jen--Jess] Tinakpan niya muna ang ph

