Chapter 3

1410 Words
*** Memories *** Bigla nalang silang umilaw... Teka anong nangyayari?! At nawalan ako ng malay? Ngayon naglalakad ako ngayon sa isang lugar. Nandito ako sa sanga ng puno kita ko ang lawak ng lugar at sa center nandun ang isang kaharian. Nang biglang dumilim ang paligid at ang lugar na kinaaaliwan ko kanina ay biglang naging magulo at may sumasakop dito. Napunta ako sa isang lugar na may Hari at Reyna at may hawak ang reyna na isang babaeng sanggol. "Mahal ko!!!" Sigaw ng Reyna sa Hari na tinamaan ng espada. "Mahal na Reyna kailangan niyo na pong makalayo dito. Kami na po ang bahala sa Prinsipe pagbumalik na siya dito sa palasyo." Sabi ng isang kawal sa Reyna. Iyak ng iyak ang Reyna at tumakbo sila ng tumakbo at sinundan ko ito hanggang makapunta sila sa kagubatan may nakasunod na mga kalaban. Mukhang iiyak nako sa katayuan ko ngayon. At natamaan ang reyna sa paa nito na kinaresulta ng kanyang pagkatumba. "Mahal na reyna." Sabi ng kasama ng Reyna na katulong. "Pinagkakatiwalaan ko ang prinsesa sayo. Dalhin mo siya sa mundo ng mga mortal." Sabi ng reyna. "P-po..." Gulat na sabi ng Katulong. "Please... Ililigtas mo ang isa sa mga tagapagmana ng Element Kou Kingdom." Sabi ng Reyna sa katulong. Naiiyak na tumango ang katulong. At hinalikan ng Reyna ang noo ng sanggol at napansin ko ang panyo sa sanggol katulad nang nasa akin. "Princess Yona, Pagdating ng ika labing pitong taong gulang mo lalabas na ang kapangyarihan mo. At ikaw ang makakaligtas sa lahat dahil ikaw ang sinasabi ng propesiya.... Mahal na mahal kita anak. At ipapahanap kita sa nakakatanda mong kapatid." Sabi ng Reyna. Maiyak iyak na tinanggap ng Katulong ang prinsesa. "Pumasok na kayo sa portal. Ako ng bahala dito." Sabi ng reyna. Pumasok na ang katulong kasama ang hawak nitong sanggol sa portal at nagcast ng spell ang reyna ng may malaking ilaw na bumalot sa boung lugar. Nabigla ako nang tumingin at ngumiti bigla ang reyna saakin. At doon nagising ako na nasa damuhan ako at basa ang mukha ko puro luha nanggaling sa mata ko. Napansin ko ang mga alaga nila na nakatingin saakin at parang nag aalala ang mga mukha nila. "Princess Yona..." Tiger "Okey lang po ba kayo?" Cheetah Tumango ako. "Naintindihan ko na. Ako ang nakatakda. Mga magulang ko ang nakita ko..." Sabi ko "Wala na ang Hari pero di pa nagigising ang Reyna. Pati ang mahal na Prinsipe ay buhay din." Napatingin ako kay alligator. "Buhay ang mama ko? At kapatid ko?" Tanong ko Tumango sila. Napangiti ako buhay ang mama at kapatid ko. "Mahal na prinsesa ngayon po ano na pong balak nyo" tanong ng jaguar "Di ko muna sasabihin sa kanila." Sabi ko. "Naintindihan namin." Sabi nila. "Okey bumalik na kayo sa mga amo niyo." Sabi ko at tumango nalang sila at nawala sa harap ko. Marami pa akong gustong malaman... Baka alam ni Christ kung saan ang Element Kou Kingdom. Matanong ko nga mamaya. **** (3rd Persons POV...) School of Magic "Ngayon taon magaganap na ang propesiya. Mag labing pitong taon na ang prinsesa at kailangan na niyang pumasok dito sa Antasya Academy." Sabi ng dean ng eskwelahan. "Oo nga kailangan na natin siyang hanapin." Sabi ng isang guro. "No need ang apat na Principe ay nasa mundo na ng mga tao." Sabi ng dean. "Nababahala ako kasi magkaedad lang ang princesa sa Principe ng kadiliman." Sabi ng isang official. "Sa huli silay maghaharap at maglalaban. Kailangan natin palakasin ng mabuti si princess yona." Sabi ng isang official. "Gagawin natin ang lahat para manalo ang mabuti." Sabi ng isang official. (Yona POV ...) Naglalakad ako ngayon dito sa campus nag meeting kasi daw ang mga teacher kaya no classes. Ng may tumawag saakin pagharap ko si Christ. May kasama syang 3 lalaki. "Cass, mabuti naabutan kita." Sabi ni Christ. "Ganun?" Ako. At pumunta kami sa rooftop kinaladkad nalang ako bigla. "Ay by the way mga kaibigan ko." Sabi nya. Ooooookkkkeeeeeyyyy perfect na puro gwapo silang lahat. "Hello your Cassandra right? I'm Jake Sebastian. Nice meeting you." Sabi nung isa Ngumiti lang ako "Hi Alexander Madrigal ang name ko tandaan mo mas gwpo sa 3 toh." Sabi nung nasa left Natawa ako sa sinabi nya. "Carlo John Soo." Malamig na sabi nya. Iba siya ha. "Ikinagagala ko kayong makilala." Sabi ko at nagbow ako. Lumapit ako Kay Christ. "Tanong ko lang may power din ba sila?" Tumango nalang siya. "What?!! Really? May I see " pakute na sabi ko. "Guys gusto niyang makita ang mga kapangyarihan niyo." Sabi ni Christ. "She knows it?" Sabi ni Alexander. "Yeah." Tumatangong sabi ni Christ. Nagtitigan silang tatlo at sabay na tumango. "Okey." Sabi nila. At pinalabas nila ang powers nila. Wow elements sila. Si Alex ay water ang sa kanya habang si Jake naman ay lupa at si Carlo naman apoy. Napatalon sabay palakpak ako sa tuwa. "Ang galing!!" Sabi ko. "Okey tama na yan now lalabas tayo and si Cass ang maglilibot saatin dito." Sabi ni Christ. "What?!" Biglang sabi ko. Teka bakit ako? "Please Cass." Pacute pa na sabi ni Christ. "Okey, fine." Wala naman akong magawa kasi pinagbigyan nila ako kanina na ipalabas ang kapangyarihan nila so ako nanaman ngayon. "Yehey!!" Sabi nila. At lumakad lang kami at pinagtitinginan ng mga ibang tao. Sinong di mapapatingin ang mga kasama ko nagagwapuhan at di naman pinapansin ng apat ang mga kababaihan. Hanep nila noh. Mall... "Kain muna tayo gutom nako eh." Sabi ni Alexander. "Sige libre ni Carlo." Sabi ni Jake. "K." Sabi nalang ni Carlo. Yaman siguro nito. At pumunta sa bilhanan ng pagkain. At bumalik na sya. "So... Saan ka nakatira?" Tanong ni Alexander "Sa **** village. Nakatira ako sa tita ko." Sabi ko. "Saan ang parents mo?" Sabi ni Jake. Napayuko nalang ako. Kailangan ko munang itago sa kanila. "I-I don't know." Sabi ko. Di ko pwedeng sabihin sa kanila. Di ko alam kung bakit. "Uhmmm guys let's eat na." Sabi ni Christ ngumiti nalang ako sa kanila. At ngayon hinatid na nila ako sa bahay. "Salamat sa inyo." Sabi ko sabay ngiti. "See you bukas Cass!" Sabi nila napangiti nalang ako new friends. Pagpasok ko sa bahay ... Nandun si tita sa sofa and also Jane too nakatingin sila saakin. "So... Gabi ka na pala umuuwi." Nakataas ang isang kilay ni Tita habang nakatingin saakin. "Uhmm ano po." Nawala atah ang dila ko. Kinakabahan ako ngayon. "I don't need your explanation." Agad napatayo si Jane at nagcrossarms habang nakatingin saakin. "Lumayas ka ngayon sa bahay ko!" Sigaw ni tita. "Tita wag po gagawin ko po ang lahat..." Agad akong nagmakaawa kay Tita na wag akong palayasin sa bahay pero tinulak lang niya ako. "Lumayas ka!! Kunin mo na ang mga gamit mo!" Sigae ni Tita. Kinuha ko na ang mga gamit ko. Saan naman ako titira? At may naipon naman ako dito konti pero di ito aabot ng isang buwan. Lumabas ako ng bahay habang dala ang mga gamit ko. "Mabuti lalayas na ang salot dito." Sabi ni Jane Tumalikod ako sa kanila. *Sniff* Malayo layo na ang nilalakaran ko nang may naalala ako. Teka naiwan ko sa bahay ang panyo ko?! Pero di na nila ako papasukin doon. Napatingin nalang ako sa langit. Saan ako pupunta ngayon? Sa paglalakad ko may nakita akong maliwanag na parang portal. "T-teka mukhang sinusundan ako nito..." Napaatras ako baka saang lugar ako dadalhin nito. Tumakbo ako ng tumakbo nang di ko napansin na nasa harap ko ang portal.... At Jane POV... Nasa kwarto ako ngayon ni Yona at nagliligpit ng gamit nya gagawin ko kasi tong dressing room ko at nilagay ko sa box ang ibang naiwan nyang gamit. At inilagay ko rin sa ibabaw ang panyo nya at itatapon ko na ito sa labas ng may kumakatok sa pinto kaya .... Unknown POV.... Ngayon alam na natin kung nasaan na ang prinsesa puntahan na natin sya. At pumunta sila sa bahay nila Jane. *toktoktok** Binuksan naman ng isang dalagang babae. Si Princess Yona na ba ito? Nasa kanya ang panyo ang ibig sabihin nito ay siya na ang matagal na hinahanap. "Kailangan na natin siyang kunin." Sabi ng kasama ko sa likod. "Teka saan nyo ko dadalhin! teka, Mama!!" Sigaw ng dalaga. "Jane, Anak!!" Sigaw ng matandang babae. "Mama!!" At pumasok na kami sa portal. At dinala ang dalaga sa lugar kung saan siya nabibilang at ito ang Antasya Academy... *** Cut "Magpakatotoo ka para maging totoo din sila sayo." LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD