Chapter 2

1194 Words
*** The Legend *** (Yona POV...) "CHRISTIAN!!!" Sigaw ko. Namamalikmata ba ako o nananaginip? "Oo ako ito, Cass... Pero di mo pa dapat malaman kung sino talaga ako... Kaya sorry." Di ko sya maintindihan. Nilagay nya sa noo ang palm niya at may binigkas siya na spell. Teka ineerase ba nya ang memories ko?! No ayoko!! At dun nakaramdam ako ng antok kaya... "Zzzzzzzz" Kinaumagahan.... Nagising ako nang nasa kwarto ako. Teka anong nangyari kahapon? Pauwi na kami ni Ja Teka... Kagabi naalala ko pa!! Teka dapat wala akong maalala kasi inerase nya ang laman ng utak ko bakit naalala ko pa ang kahapon. Si Christian napapalibutan ng hangin!! May powers sya totoo pala ang mga ganyan amazing!! Gusto kong makausap si Christ mamaya. Tumayo nako morning rituals at nagluto ako at kumain na. Naglagay nako ng baon sa lunch box ko para mamaya wala pera eh. Bumaba na sila Tita at Jane. "Kumain kana anak ko wag kang magpapalipas ng gutom ha." Sabi ni tita kay Jane. At si Jane naman parang nadidirian. "Ma, di ako bata. Oh anong tingin tingin mo jan lumayas kana susunduin ako ng bf ko ngayon." Sigaw nya. Napatango nalang ako. "Alis na po ako." Sabi ko. "Mabuti na yung di kana babalik." Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Jane At pagkalabas ko may black na sasakyan ang nakaparada wow yaman ha. At may lumabas na nagpapatibok nanaman sa puso ko anyare saakin? "Good morning Cass." Bati ni Christ di ko nakakalimutan ang nangyari kahapon. Kaya snob ko sya "Teka bakit? May nagawa ba akong kasalanan?" Sabi nya. "Wla naman." Sabi ko at sa iba tumingin. "Cass. Mukhang meron eh. Sorry na kung meron." Sabi nya. "Okey." Sabi ko Ewan ko kung bakit ako ganito. "Sabay kana saakin. Hep hep wag kang tumangi" Sabi nya. At napangiti nalang ako. At binuksan nya ang pintuan at pumasok na kami. Tahimik lang kami sa sasakyan ng binasag ko ang katahimikan. "Christ. May itatanong ako.... Totoo ba yung nangyari kagabi?" Tanong ko. Tiningnan ko lang sya. O.O sya (Paano nya nalaman? Naerase ko na ang nasa isip nya.) Narinig ko nalang bigla. Teka nababasa ko isip nya. "Ahmm ano kasi..." Sya "Pagdi ka nagsasabi ng totoo d na tayo friends." Sabi ko. (Lagot na anong gagawin ko? Baka malaman na nya na wind ang power ko!) Panik nya sa isipan ni Christ. "Don't worry safe ang sekreto mo. Na hangin ang power mo." Sabi ko na kina stop ng kotse sa parking lot ng school. "M-may power kaba? Bakit di tumalab sayo ang spell ko kahapon?" Sya. "Di ko alam." Sabi ko Napabuntong hininga nalang sya. (Christian POV...) Bakit nangyari yun? Di tumalab sa Kenya ang spell ko. Sabi ni papa sa mga royal family lang di tumatalab ang mga spell namin. Yan ang sinabi ng papa ko. Kagaya ko 5 kaming mga royal. Ako bilang wind prince, meron ding Fire prince, water prince, Earth prince at ang pinakamalakas at ang Element Princess. Ang element princess lang ang nawawala. Di ko alam kung ano ang exactly na pangyayari bago nawala ang princesa. Basta ang alam nila ang princesa ay Kulay pula ang buhok neto. Sya lang ang meron nun. And the king and queen give her a name and it is 'Princess Yona.' I hope the princess is still alive. "Achooo!!" Bahing ni Cass. "May sakit kaba." Sabi ko nakababa na kami sa sasakyan. "Mukhang may nakaalala saakin. Hay nevermind hmm." Sabi nya bigla nalang syang tumingin sa relo nya. "Maaga pa. Tara sa rooftop." Sabi nya. At hinawakan nya kamay ko at tumakbo kami papuntang rooftop anong gagawin namin dito? "Anong gagawin natin dito." Naguguluhan kong tanong "Pakita ng power mo." Sabi nya at nagpacute. "Ano?! P-pero..." Nako wala akong takas sa kanya bakit di na erase ang nasa memories ni Cass. "Okey..." Sabi nya at tumalikod ng nakayuko... Makakonsensya toh oh!! "K fine." Sabi ko pero naglalakad parin sya. Ginamit ko ang powers ko para ilipad sya papunta saakin. At ng makalipad sya... "Wow ang cool!!" Sabi nya at pinapunta ko sya saakin. At nabuhat ko sya ng parang pangkasal. Dugdugdug... •• ako ^__^ sya At binaba ko sya. "Di kana galit?" Sabi ko Umiling sya at nagsmile. "Pakita mo ulit." Pangungulit nya ulit. At nagpalabas ako ng tornado na maliit. "Ang cute!!" Sya at hinawakan ang tornado ko. "May ipapakita ako sayo." Pinalabas ko ang alaga ko na Tiger na kulay puti. (Yona POV...) O.O laki ng tiger. Napaatras ako baka kainin ako T__T 'Wag kang matakot princess.' Eh? Sino yun? At sino ang princesa? 'Ikaw ang kinakausap ko princess yona.' Sabi nya na kinagulat ko "Anyare sayo cass. Ay sya pala si Tigerous alaga ko." Sabi ni Christ "N-nagsasalita ang....." D ko na natuloy dahil biglang nag bell means 7:30 na. "Tayo na." Sabi nya at lumipad kami papuntang baba pero sa likod ng building kami dumaan. Room... "Mabuti nakaabot tayo." Sabi nya. Isisikreto ko muna na nakakausap ko ang alaga nya mukhang di nya nakakausap ang alaga nya eh. "Oo nga." Sabi ko. Lunch Time... Nasa canteen kami ngayon alam nyo kung nasaan si Ranz. Excuse siya nang three weeks kasi dahil sa business. Hay "Bakit di mo pa nagagalaw ang pagkain mo?" Sabi nya. "May iniisip lang ako. Wag mo na kong pansinin kain nalang tayo." Sabi ko tumango nalang sya. Ng may nagring na phone. "Excuse lang Cass ha." Sabi nya tumango nalang ako. "Oh?......ha? Andito na kayo?.......nasa canteen ako kasama ko kaibigan ko.......sige sige.....hintayin mo kami jan....okay bye" sabi nya sa phone. "Kaibigan mo?" Tanong ko tumango sya. "Tara " sya at tumayo "May gagawin pako sa library eh." Sabi ko. "Ganun... Sige kita nalang tayo mamaya." Sabi nya tumango nalang ako at nagpaalam na sya. Dumiretso ako papuntang likod ng building. "Hay ayoko lang naman maistorbo sa kanya eh." Umupo ako sa damuhan at hihiga sana. Ng may naunan ako kaya napaupo ako. Nakita ko ang tiger ni Christ. "Anong ginagawa mo dito bakit di mo kasama ang amo mo." Sabi ko. "Mas masaya pakong kasama ka kaysa kanya di ko naman sya makakausap." Sabi nya. "Nge? Eh ordinaryong tao ako bakit nakakausap kita eh ang amo mo may lahing wizard naman." Sabi ko "Espesyal ka kasi ikaw si princess yona." Sabi nya naguguluhan ako sa sinasabi nya. "Oo may pangalan akong yona pero di naman ako princesa." Sabi ko. "Maintindihan mo lang yan pagdating ng araw." Sabi nya. Napabuntong hininga ako. At tumayo. "Bumalik kana sa amo mo baka hinahanap ka na niya." Sabi ko at nagpagpag. "Mamaya na." Sabi nya. Magrereact sana ako ng may nakita akong 3 animals kaya napaatras ulit ako. Nakakita ako ngayon ng... Tiger, Cheetah, Jaguar, and Alligator. Ikaw daw makaharap ka ng ganito di ka ba manginginig. Napaupo ako sa sahig dahil sa takot ng.... "Princess Yona wag kang matakot." Sabi ni tigerous. "Tigerous diba siya si princess yona?" Tanong ng jaguar. "Feeling ko sya na yan." Sabi ng alligator. "D-di nyo ako kakainin?" Sabi ko. "Hindi." Sabi ng cheetah "Sure?" Sabi ko "Sure." Sabi nila. Ng.... Bigla silang umilaw at ..... ****** Cut 'Walang sekretong di nabubunyag.' -LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD