Agua’s POV
“Agwanta!”
Heto na naman si Lola. Ginagawa na niyang alarm ang pangalan ko.
“Bumangon ka na dyan at kay pangit na malate sa unang araw ng trabaho mo!” Muli ay malakas na sigaw ni Lola. Inaantok na kinapa at hinanap ang cellphone ko upang tingnan ang oras. Pinilit kong binuka ang mga mata. Mapapamura na lamang ako ng makitang mag-aalas singko pa lang ng umaga, eh, alas otso pa naman ang pasok ko. Pambihira talaga itong si Lola! Kay aga pa, ‘di ko naman dala susi ng kumpanya. Akala siguro nito ako tagabukas ng building.
“Agwanta! Bumangon ka na dyan!” Muli ay sigaw ni Lola.
“Opo! Heto na po!” Tamad na bumangon ako. Nakapikit ang mga mata kong tumayo at inabot ang tuwalyang nakasabit sa isang pako sa gilid ng pinto ng kwarto ko.
Lumabas ako at tinungo ang banyo. Hinubad ko ang salawal ko at umupo sa inidoro para magbawas ng sama ng loob. Inugalian ko nang magbawas sa bahay bago umalis. Mahirap na at baka madatnan ako ng sama ng loob sa opisina, kakahiya.
Pinikit ko ang mga mata. ‘Di sinadyang nakatulog na ‘ko.
“Agwanta! Ba’t ang tagal mo dyan sa banyo!” Muntikan na ‘kong mahulog sa bowl sa gulat nang biglang kinalabog ni Lola ang pinto ng banyo. Tuluyan na ngang nagising ang diwa ko.
“Lola, tumatae yung tao!” Pagsisinungaling ko.
“Bakal ba tae mo at kay tagal lumabas! Bilisan mo na dyan! Yung pagkain mo’y lalamig na! Ewan ko ba sayong bata ka! Ang tanda-tanda mo na ako pa rin lahat! Kailan ka ba magiging responsable sa sarili mo!” Heto na siya, nagsisimula na naman siyang maglintanya. Sa araw-araw na maririnig ang paulit-ulit niyang lintanya ay namememorize ko na.
Binilisan ko na nga ang pagligo at pagbihis ko at habang si Lola ay patuloy lamang sa paglilitanya.
Nakailang sipat ako ng sarili ko sa salamin hanggang sa makuntento ako. Kailangan kong paghandaan ang muling pagkikita namin ni Sir. Gusto kong maganda ako sa paningin niya lagi baka lang naman mapansin niya ‘ko, baka lang naman, libre naman mangarap.
At habang nag-aayos ako ay panay ang kakatalak ni Lola. Nasanay na naman ako, namulatan ko nang ganyan na talaga ang bunganga niya pero kahit na napakanagger ni Lola ay bawing-bawi naman siya sa pag-aalaga sa ‘kin at pagmamahal. Kaya kahit ganyan siya ‘di ko siya kailanman ipagpapalit.
“Good morning po, Lola!” Bati ko rito sabay halik sa pisngi nito habang nilalapag niya ang tasa kong may lamang gatas sa mesa.
“Ang tagal mo! Kapag ikaw ma late sa unang araw ng trabaho mo wag mo nang asahang may trabaho ka pa bukas,” patuloy sa pagtatalak nito.
“Maaga pa po, Lola, alas sais pa lang. Tingnan mo nga ako, La, maganda na ba apo niyo?” Natigil si Lola at napatingin sa ‘kin. Sinipat ni Lola ang ayos ko. “Sa tingin mo mapapansin na ‘ko ni Sir nito?”
“Bulag lang ang hindi mapapansin ang ganda mo. Hindi ka pa nga naayusan ay marami nang mabibighani sayo,” napangiti ako sa sinabi ni Lola. Alam kong ;di niya ‘ko binobola dahil lamang apo niya ‘ko. Ramdam ko sa mga mata niyang totoo ang mga sinasabi niya. Kumbinsido rin naman akong may ibubuga rin ang itsura ko, dayuhan kasi tatay ko.
“Kaya mahal kita, eh!” Muli ko siyang hinalikan sa pisngi saka ako umupo. “Kain na tayo, La,” aya ko rito. Agad naman siyang umupo sa kaharap kong silya.
Matapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa sakayan ng jeep. Mag-je-jeep lamang ako para maka-tipid total maaga pa naman.
“Good morning, mahal!”
Hindi ko pinansin si Jeffrey at tuloy-tuloy lamang ang paghakbang ko patungong labasan. Kagaya ng dati’y sumunod siya sa amin ni Lola para ipag-para ako ng masasakyan. Pumara ng taxi si Jeffrey ngunit nang may humintong jeep malapit sa ‘min ni Lola ay agad na sumakay ako. “Bye po, La,” paaalam ko saka halik sa pisngi nito bago sumakay ng jeep.
“Mag-iingat ka apo.”
“Mahal, heto na taxi– Mahal!” Rinig kong sigaw ni Jeffrey.
Kay dali kong narating ang Montefalco Hotel and Suites. Kay lapad ng pagkakangiti ko nang muling tumapak ang paa ko sa sahig ng magarang building. Agad na tinungo ko ang elevator at sumakay. Ilang saglit lang ay narating ko na agad ang labas ng opisina ng gwapo kong boss.
Muli’y napangiti ako ng maupo ako sa mesang nakalaan para sa ‘kin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pangarap ko lang makapasok kahit na anong trabaho na pang opisina ay okay na ‘ko ngunit yung binigay sa ‘kin ay higit pa sa hinangad ko.
Na orient na ‘ko kahapon matapos kong maipasa lahat ng requirements ko kaya alam ko na ang mga kailangan kong gawin.
I turned on my computer pati na rin ang tablet na siyang gagamitin ko sa pagsulat ng mga sched ni Sir. Sinimulan kong mag-check ng mga emails habang hinihintay ang pagdating ni Sir Ian.
Sinusulat ko sa tablet ang mga appointments ni Sir at mga ilang importanteng bagay sa mga nabuksan kong emails.
“Of course, I’ll be there, Lee! It’s your big day, I must not miss it,” nagitla ako ng marinig ang boses ni Sir Ian. Natatarantang napatingin ako sa gawi niya at mabilis na tumayo. “G-good morning, Sir!” Nauutal kong bati. Yumuko ako bilang pagbigay galang. Saglit lamang niya akong sinulyapan at nilagpasan. Tuloy-tuloy ang hakbang nito papasok sa kanyang opisina.
Napanguso ako. Hindi man lang niya ako nagawang batiin pabalik. Asa ka pa! Sita ko sa sarili.
Hindi na ‘ko umupo muli habang tinatapos isulat ang mga schedules niya, konti na lang naman, matatapos na ‘ko.
Bitbit ang tablet ay sumunod ako sa kanya papasok sa kanyang office. Kumatok na muna ako bago ko pinihit ang siradura bilang babala sa pagpasok ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob nito. Napatingin ako sa direksyon niya. Abala pa rin siya sa pakikipagusap sa phone. Saglit na nagtagpo ang mga mata naming dalawa nang muli’y tinapunan niya ‘ko ng tingin. Hindi pa nga ako nakakangiti ay agad na itong nagbawi ng tingin.
Napaka-istrikto ng mukha niya, malamig na mga tingin, nakakatakot na awra, ganun pa ma’y ‘di man lang nabawasan ang kagwapuhan nito, mas nakadagdag pa nga ang mga katangian niyang iyon sa taglay niyang karisma.
Kibit balikat na dumiretso ako sa kanyang mini pantry upang ipagtimpla siya ng kape. Kasali sa tinuro ni Sir Lui, ang personal assistant ni Sir, ang pagtimpla ng kape na gusto niya ngunit ‘di ko iyon sinunod at sinunod ang kapeng tinuro sa ‘kin ni Lola.
Nang matapos ay agad kong dinala ang tinimpla kong kape kay Sir.
“See you, Lee. Love you.”
Muntikan pa ‘kong mapahinto sa paghakbang ng marinig ko ang sinabi nito sa kabilang linya. Aray! First day pa lang broken hearted na ‘ko ka agad, saad ko sa ‘king isipan. Sayang naman, may jowa na pala siya. Well, sa gwapo niya at sa katayuan niya imposible nga namang walang magkakagusto sa kanya kahit na istrikto at masungit.
Nasa laptop na niya ngayon ang atensyon.
“Here’s your coffee, Sir,” saad ko nang ilapag ko sa ibabaw ng desk niya ang kape. Hindi man lang niya ako sinulyapan.
“What do I have for today?” Tanong niya sa malamig na tono na ang tingin ay nanatili sa screen ng kanyang laptop. Agad kong binasa isa-isa ang mga sinulat ko kanina.
“That’s all, Sir,” saad ko nang matapos ko itong basahin.
Saglit na nanaig ang katahimikan. Maya-maya’y nag-alis ng tingin si Sir sa kanyang laptop at tiningala ako. Napalunok ako sa klase tingin na pinukol niya sa ‘kin. Ewan, wala naman akong kasalanan ngunit pakiramdam ko nasa paglilitis ako.
Unti-unti kong naramdaman ang unti-unting pagbilis ng pintig ng puso ko maging ang pamumuo ng pawis sa sintido ko kahit na ang lamig sa loob ng kanyang opisina.
“Who are you again?” Shuta, ang bilis naman niyang magka-amnesia. Sa lahat ng taong nakarinig sa pangalan ko siya lang yata ang nakalimot. Sino ba naman ang makakalimot sa pangalan kong Agwanta?
“A-agwanta, Sir,” sh*t ba’t ba ako nauutal! Nakita ko ang pagbagong ekspresyon ng mukha niya matapos niyang marinig ang pangalan ko.
“Agwanta? Seriously?”
“O-opo,” alinlangan kong sagot.
“Sounds ancient,” hala! Grabe siya. Kung hindi ko lang ‘to boss binara ko na ‘to. “Whatever. I’ll be giving you instructions, just once, and only once. Take notes, because I don’t like repeating myself,” naging alerto ako bigla at hinanda ang sarili sa paparating na digmaan.
Nang magsimula siyang mabigay ng mga instructions ay nagsimula na rin akong magsulat. Nakatingin ako sa kanya habang nagsusulat sa hawak kong tablet. Tila nakikipagkarera ang mga kamay ko sa bawat salitang binibigkas niya. Pigil ang hininga ko, pakiramdam ko kung hihinga ako hindi ko mahahabol ang mga sinasabi niya.
Nang matapos nga siya’y hiningal ako. Tila kay layo ng tinakbo ko.
“Lastly, cancel all my appointments from the 5th ‘till 8th next month because I’ll be out of the country. Did you get it all?”
“Y-yes, Sir!”
“Read it, then.”
Isa-isa ko ngang binasa ulit ang mga sinabi niya word per word.
“Next month you’ll be out of the country. That’s all, Sir!” Hiningal ulit ako matapos kong basahin lahat ng sinulat ko sa tablet. Nang mag-angat ako ng tingin upang tingnan siya’y tila nakita ko ang paghanga sa mga mata niya habang mariing nakatitig sa ‘kin. Ilang segundong hindi siya nagsalita. Nakatitig lamang siya sa ‘kin. “Sir?”
“Wow,” tanging nasambit niya. Hindi ko alam kung paano mag-react sa sinabi niya. I just pursed my lips and smiled. Inabot niya ang kape at sumimsim mula rito. Agad na kumunot ang noo niya nang malasahan ang kapeng tinimpla ko. Muli’y kinabahan ako, mukhang ‘di nya nagustuhan ang ginawa ko.
“You made this?”
“Y-yes, Sir.”
“Is this what Lui taught you?” Nanatili ang lukot sa noo niya.
“S-sorry, Sir. Sariling timpla ko po ‘yan. Baka lang po magustuhan n’yo,” muil’y napatitig s’ya sa ‘kin.
“Such a risky move. You're lucky I like it because I would have kicked you out of here if I didn't.”