Agua’s POV
“You can go now, Agwanta— Crap! Too long, don’t you have a nickname?” Inaano kaya siya ng pangalan ko. Hindi ba niya alam na ang ganda ng meaning ng pangalan ko? Swak na swak dito sa trabaho ko. Ibig sabihin kasi niyan Matiisin.
“Agua po, Sir,” sagot ko na lamang.
“Better. You may go now,” muli ay mando niya sa ‘kin. Mabilis na yumuko ako bilang paggalang bago nagsimulang humakbang pa-alis. “Agua!” Nahinto ako sa paghakbang ng tawagin niya bigla muli ang pangalan ko. Mabilis ko siyang nilingon muli.
“Yes, Sir?”
“I don’t want to be disturbed, unless it's business.”
“Yes, sir,” tugon ko. Nag-alis siya ng tingin sa ‘kin at muling binaling ang mga mata sa screen ng kanyang laptop.
“Make sure no one enters my office. Kapag ako na disturbo better start searching for another job.”
“P-po?” utal kong tanong.
“I already told you, I hate repeating myself. You may leave now.”
“Sir, pwede magtanong?”
“Go ahead just make it fast, my time is precious,” malamig nitong tugon na ‘di man lang ako tinignan.
“Paano pag kamag-anak po mag-hanap sa inyo?”
“It’s a no brainer question, Agua. Of course let them come in!” Napa-ismid ako sa sagot nito. Swerte mo talaga crush kita dahil kung hindi pinakulam na kita.
“Copy po, Sir.” Nilista ko iyon sa hawak kong tablet. “Pagkamag-anak, papasukin,” saad ko habang sinusulat ito sa tablet.
“Do you really need to write down everything I said?”
“Mahirap na po baka makalimutan ko, ayaw niyo pa naman ng paulit-ulit,” saad ko sa mahinang boses.
“Did you say something?”
“Ha? Wala po, Sir!” Pagkakaila ko. “Pag kaibigan po?”
“Let them call me on my phone.”
“Okay sir, copy.” Muli’y sinulat ko ito sa tablet. “Pagkaibigan dapat siyang tawagan–”
“You’re starting to annoy me, Agua,” potek na! Saan ba ‘to pinaglihi ng mama niya?
“Isa na lang po, Sir. Pag girlfriend?”
Inis na tinignan niya ‘ko. Pilit na ngumiti ako.
“Ayaw ko naman pong masampal sir kapag hinarang ko sila–”
“Sila?” Nag-abot ang mga kilay niya sa tanong ko. Apakasungit pero potek ang gwapo pa rin!
“Ay isa lang po ba?”
“Leave,” he said it softly but the power that it holds nakakapanginig ng tuhod. Dama ko ang inis, ang stress, ang pagtitimping wag akong sigawan.
“Sabi ko nga po,” umalis na ‘ko mukhang mababato na niya ako ng laptop sa inis na nakarehistro sa mukha niya. Muling mabilis na yumuko ako at nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina.
Sa oras na nakalabas ako ng kanyang opisina ay isang malakas at malalim na paghinga ang naibuga ko mula sa ‘king dibdib. Sh*t! Unang araw pa lang ng trabaho ko ang bigat na agad ng dibdib ko. Mukhang mapapalabad talaga ako sa trabahong ‘to.
Laban lang, Agua! Ginusto mo ‘to ‘di ba? Gusto mo siya ‘di ba? Magtiis ka!
Bumalik ako sa pwesto ko at sinimulan ang pinapagawa niya sa ‘kin.
Abala ako sa pagpag-plot ng schedule ni Sir at sa mga instructions niya kanina nang makuha ang atensyon ko sa biglaang pag-bukas ng babasaging pinto sa harapan ko. Agad na nag-angat ako ng tingin sa bagong dating. Isang maganda at matangkad na babae. Sopistikada at halatang yayamanin.
“Good morning, ma’am!”
Hindi niya ‘ko pinansin. Tila ‘di niya ‘ko narinig at patuloy lamang ito sa paglalakad na ‘tila ‘di ako na-exist.
Kay laki ng mga hakbang nito patungo sa pinto ng opisina ni Sir. Naalarma ako bigla at mabilis na tamayo, napatakbo ako upang harangin siya.
Bigla itong nahinto at inis na tinaasan niya ‘ko ng kilay. Nakataas ang isang braso nitong may nakasabit na mamahaling bag. Napaka-spoiled brat ng datingan, yung mga tipong what she wants, she gets.
“What the f*ck are you doing?” Anas nito.
“Sorry po ma’am pero kabilin-bilinan po kasi ni Sir wag siyang isturbohin unless it’s business,” paliwanag ko.
“I’m more than a business. Do you even know me?”
“May I know your name, ma’am?” Pangahas kong tanong.
Nanlilisik ang mga mata nitong tinignan ako. Halatang ‘di niya nagustuhan lalo ang sinabi ko. Hinanda ko naman ang sariling, singhalan niya pero wala akong paki, mas paki kong matanggalan ako ng trabaho. Kung girlfriend siya ni Sir, hindi sila bagay, char! Hindi naman ako sinagot ni Sir kung papasukin o hindi kaya nilagay ko siya under sa friends, tatawagan muna nila si Sir bago sila papasukin.
“Excuse me! Oh God! You’re getting into my nerves! You get out of the way kung ayaw mong ipapakaladkad kita sa mga security,” kinabahan ako bigla. Isa kaya ‘to sa tagapagmana? Shuta na this!
“Wag naman po ma’am. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, ang sundin ang utos ng boss ko. Super busy po kasi ni Sir kaya ayaw niyang ma-disturbo.”
“I’m his girlfriend you b*tch!” Sinasabi ko na. “Kaya hindi ako makakaistorbo. I’m his stress reliever. Are you scared now? So get the f*ck out of my way before he dragged you out himself!” Patay na. Mukhang last day ko na talaga ngayon. Bahala na si Tanggol!
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Kailangan ko munang i confirm kung totoong girlfriend siya ni Sir. Kahit sino naman pwedeng sabihin girlfriend siya, kahit ako, naks!
“Ano! Move!”
“Sorry ma’am pero pwede niyo po bang tawagan si Sir. I confirm ko lang kung talagang girlfriend kayo,” mas lalong nanlisik ang mga mata niya. Halus umusok na nga ilong niya sa inis niya sa ‘kin.
“Seriously!”
“Yes, ma’am! I’m serious. Very serious.”
“God!” Dama ko na ang stress niya. Mukhang kailangan kong ihanda ang sariling masabunutan. “I’m warning you. You get out of my way!”
“Sorry ma’am, kung papasukin ko kayo baka matanggalan ako ng trabaho. Anong kaibahan nun kung hindi ko kayo papasukin bahala nang matanggalan ako ng trabaho at least ginawa ko trabaho ko.” Once in a lifetime lang ‘tong trabaho ko papanindigan ko na ‘to. “Tawagan niyo na lang po si Sir!”
“Why do I need to do that? I’m his girlfriend!”
“To confirm po.”
“What?” Malakas niyang saad.
“Naka block po kayo ma’am?”
Napaawang ang bibig nito sa sinabi ko. Kay laki na ng butas ng mga ilong niya. Inis na binuksan nito ang hawak nitong maliit na bag at kinuha mula doon ang cellphone niya. Galit niya ‘kong tinignan.
“You gonna regret this,” babala niya. She confidently dialed Sir Ian’s number, pinakita niya pa sa ‘kin ang screen ng mamahalin niyang cellphone. Pinigilan kong mag-react ng makitang Love ang pangalang nakarehistro ni Sir Ian sa kanyang phone.
Narinig ko ang pagring nito. Mayabang na tinignan niya ‘ko. Puno ang kumpyansang sasagutin ni Sir ang tawag niya ngunit nakailang ring na ito ay nanatiling hindi pa rin sinasagot ni Sir ang tawag niya. Unti-unti ng nawala ang kumpyansa niya sa sarili. Napalitan ito ng pagkabahala.
“The number you have dialed is either unattended or out of coverage.”
Narinig ko ang sinabi ng operator dahil naka loudspeaker ito. Ilang na nag-alis ako ng tingin sa kanya. Muli niyang di-nial ang phone number ni Sir Ian. Nag-ring to muli ng isang beses sumunod na agad ang busy tone. Alam ko ang ganung tono, naka block na siya sa phone number ng tinatawaga niya.
“What the f8ck!” Mura niya at muling tinawagan si Sir.
“May problema po ma’am?”
Inis niya kong tinignan. Dama ko ang pagkapahiya niya.
“You know, you get out of my way.”
Hindi ko inasahan ang gagawin niya nang bigla niya kong tinulak upang umalis ako sa harapan niya. Napasandal ako sa wall sa gilid ko. Mabilis nitong pinihit ang siradura ngunit nakalock ito. Malakas niyang hinampas ng nakakuyom niyang kamay ang pinto ng opisina ni Sir Ian.
“Ian! Alam kong nandyan ka! Lumabas ka dyan!”
Biglang nagsidatingan ang mga security at nilapitan ang babae.
“Anong ginagawa niyo! Don’t touch me! Ian!” Muli ay hampas niya sa pinto.
“Ma’am sumama na po kayo palabas kung ayaw niyo pong pwersahin ka naming ilabas dito sa building.”
“Wag niyo nga akong hawakan! I make you pay! I'm going to sue each one of you! Especially you!” Duro niya sa ‘kin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib.
“Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko–”
“You shut up! 'Di mo ko kilala!” Nagitla ako ng sigawan niya ‘ko.
"Ako rin 'di mo pa ako kilala." Lalo siyang nanggalaiti sa sinabi ko.
"I don't give a f*ck!"
Muling hinawakan siya ng security ng nasi muli nitong sugurin ako ngunit malakas niyang tinabig ang mga kamay ng mga ito.
“I said don’t touch me! Lalabas ako ng kusa!” Singhal niya sa security.
“Ikaw, sabihin mo ‘to sa boss mo. Wala siyang bayag!”
"Sabi rin ng boss ko wala ka raw boobs." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi inasahan ang sinabi ko. Kay bilis na humarang ng security ng muli'y susugurin niya 'ko.
"'Di pa tayo tapos," she warned. Pagkasabi’y inis na nag-walk out siya palabas ng departamento.
Nakaupo na ‘ko sa silya ko. Hindi pa nga nangangalahati ang araw, ubos na ang enerhiya ko. Ilang babae pa kaya ang mag-iiskandalo rito. Ilan pa kayang mga babae niya ang kahaharapin ko. Pang-ilan kaya ko sa mga nakapila sa kanya.
Muli’y nagitla ako ng tumunog ang intercom.
“Agua.”
“Yes, Sir.”
“Good Job.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Nawala bigla ang stress na nadarama ko.
"Thank you, Sir."
"Keep it up. Bye, Agua-"
"Saglit lang, Sir!" Pigil ko sa kanya.
"Why?"
"Sabi nga pala ng ex niyo wala ka raw pong bayag--"
"Tsk. She even struggled to make it all fit."