Agua’s POV Parang may kung anong mainit na haplos ang dumaan sa puso ko sa sinabi niya. Pagdating kasi kay Lola sobrang nagiging emosyonal ako. Malaking bagay sa akin na pinahahalagahan niya ang mga paalala ng Lola—patunay na malaki ang respecto niya para rito at sobrang ikinatuwa iyon ng puso ko. Oo, hindi man naging tama at maayos ang simula namin, pero nakikita ko ang pagsisikap niyang ituwid ang mga pagkakamali at dama ko ang pagsisisi niya. Sa galak ko’y, inabot ko ang pisngi niya at nakangiting hinalikan siya sa labi, mariin, pinaparamdam ko sa pamamagitan ng mga halik ko kung gaano natutuwa ang puso ko sa sinabi niya ngunit bago pa man lumalim ang halikan naming dalawa ay nagkusa na akong bumitaw. Natawa ako ng nakapikit niyang hinabol muli ang mga labi ko. “I want more,” par

