Agua’s POV Nasa sa sala kami habang nasa itaas si Lola. Nakaupo at magkatabi kaming dalawa sa mahabang sofa. Nakatingin ako sa kamay kong hawak niya habang nilalaro iyon. “Baby,” tawag niya sa ‘kin. “Hmmm,” tugon ko. “Go back to MHS.” Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na wala na nga pala akong trabaho, na kailangan ko nga palang maghanap ng panibago. Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Advantage sa part ko dahil hindi ko na kailangan magpakahirap pumila sa mga job fair, mag-send ng sandamakmak na resume, mag-walk, magbabakasaling matanggapa ako pero hindi ba nakakahiya kapag bumalik ako, baka kasi isipan niya tinitake-advantage ko ang relasyon naming dalawa. “Baby?” Muli ay untag niya sa ‘kin. “Give me one good reason bakit gusto mo ‘kong bumalik sa kumpanya mo?” I asked. Baka

