Agua’s POV Naunang lumabas kami ni Sir ng mall. Naiwan sa store na pinagbilhan ni sir ng mga damit sina Kuya Atan at Mark isa sa bodyguards ni sir na kasaa namin upang hintayin ang mga pinamili nito dahil hindi pa tapos ng mga staff i-impake matapos niya itong bayaran, sa dami ba naman ng binili kulang na lang bilhin niya buong store. Paglabas namin ay nakita ko kaagad ang nakaparadang sasakyan ni Sir sa harap mismo ng mall hinihintay kami. Lumabas ang driver upang buksan ang pinto. Pinauna ako ni Sir, agad naman siyang sumunod at umupo katabi ko. Napalingon ako sa may entrada ng mall. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang halos ‘di magkandaugaga sina Kuya Atan sa mga paper bags na bitbit nila. “Akin lahat ‘yan?” wala sa sariling usal ko. Napalingon rin si sir saka binaling ang tingin

