Agua’s POV Kinakabahan akong muli dahil sasakay ulit kami sa private plane ng Montefalco Hotels and Suites. Saglit kong nakalimutan ang mga napanaginipan ko. Ang nararamdamang kilig ay napalitan ng sobrang kaba at takot. Muli’y magkatabi kaming dalawa. Pinikit ko ang mga mata at tila estatwang nakaupo, hindi umiimik, hindi gumagalaw. Butil butil na pawis ang abot ko. Isang oras na naman ang kalbaryong titiisin ko. Hindi sinadyang napahawak ako sa hita ni Sir ng magsimulang umangat ang sinasakyan namin. Ni hindi ko namalayang humigpit na ang pagkakahawak ko sa hita niya habang nanatiling nakapikit at habang lihim na umuusal ng dasal. “I can feel your d*mn nails piercing my skin, Agua.” Kay bilis kong inalis ang kamay ko sa hita niya ang marinig ang malamig niyang boses. Hindi siya gali

