Chapter 38 Agua’s POV Kay tagal kong nakatulog. Ginagambala ako sa pinadala niyang bulaklak. Hindi ako kinilig, nainis ako. Akala siguro niya ay madadala niya ‘ko sa pabulaklak niya. Akala siguro niya magpapakarupok na naman ako. Akala siguro niya ganun ako kababaw. Isa pa ngayon pa siya hihingi ng sorry after all the sh*ts he did? Di na uy! Pinapangako kung ‘di na kailanman magpapadala sa mga kagaguhan niya. Maaga pa rin akong nagising kahit sobrang late ko ng nakatulog. Hindi dapat ako ma late, half day na nga ako sa unang araw ng trabaho tapos male-late ako ngayon? Baka sabihin ni Sir Kairo ti-ni-take advantage ko ang kabaitan niya sa ‘kin. Nagpapasalamat nga ako at nakakuha kaagad ako ng trabaho at ang sweldo ay hindi nalalayo sa sweldo ko sa MHS. “Good morning, Sir!” Agad na ba

