Agua’s POV “Well tonight, she is,” pinilit kong ngumiti ng lingunin ako ni Sir Kairo kahit nakakaramdam ako ng pagkailang sa gawi ng pagkaka sabi niya at sa paraan ng paninitig niya sa ‘kin. Kailangan kong makisabay bilang parte ng trabaho ko. Kailangan ko lang tandaan na hindi ako naririto para makihalubilo sa mga matataas na tao— nandito ako dahil meron siyang pinapagawa sa ‘kin na parte ng trabaho ko. Napabitaw ako sa pagkakakapit sa braso niya ng lumipat ang kamay niya. Bahagya akong nagulat ng maramdaman ko ito sa tagiliran ko kasunod ang marahang pagpisil. Nagsisismula na ‘kong makaramdam ng pagkabahala lalo’t‘di ko siya magawang sawayin. Ayokong ipahiya siya sa harap ng kapwa niya business man. Hinayaan ko lamang siya pero naging alerto na ang isip ko sa susunod niyang mga kilos

